'Tingnan ko ang tigas mo Ben Tulfo!'
November 4, 2002 | 12:00am
MALINAW na ako sa simula pa lang. Hindi NGAWA ang kolum na to. Diretso ako sa aking pananalita. Wala akong pakialam kung hindi magugustuhan ninuman ang kanilang mababasa ngayon.
Alam ng mga mambabasa kung sino yung lehitimo at mga mapagkunwari sa propesyong to. Alam nila ang ibig sabihin ng salitang RESULTA. Ito ang ginawa nilang panukat.
Malungkot pakinggan na ginagamit lang daw bilang materyales ng ilan sa mga kapatid namin sa hanapbuhay ang kanilang mga idinulog na mga impormasyon, reklamot sumbong.
Hindi sila masisisi kung kayat nagkaroon sila ng sariling pamantayan base sa kanilang mga naranasan. Sana magising na ang ilan sa amin sa industriyang ito sa larangan ng tinatawag nating serbisyo publiko.
Narito ang isang mahalagang text message na ipinadala sa amin. Hindi namin puwedeng idetalye pa ang kanyang impormasyon. Tinatanggap namin ang kanyang hamon. Pagmasdan ang kanyang salitang pambungad na kanyang ginamit.
Tingnan ko ang tigas mo Ben Tulfo" Tsk tsk tsk mga alagad daw ng batas ang sangkot sa smuggling na to. Ayon sa texter, kasama raw ang mayor ng nasabing lugar. Nasa payroll pa raw ang ilan sa mga tabloid reporters.
Aniya, if you publish this in your column, surely gagawa sila ng paraan para ayusin ka nang huwag lumabas sa media ang kanilang kawalanghiyaan. Tingnan ko ang tigas mo 0920-2082497.
Tahasan naming sasabihin na hindi nabibili at hindi kami ipinagbibili. Bago namin isagawa ang aming surveillance undercover operation gusto naming makipag-ugnayan muna sa impormante. Kung maaari ay tumawag ka sa aming landline sa lalong madaling panahon 932-5310/932-8919.
KILOS PRONTO, UPDATE: Matapos naming maisagawa ang aming surveillance sa loob ng Don Pedro Subdivision ng Barangay Marulas, Valenzuela City, nitong nakaraang Martes ng gabi agad kumilos ang mga kinauukulan.
Tungkol ito sa inutil at mapanganib na 40 foot trailer truck na nakatiwangwang papasok sa loob ng nasabing subdivision. Nakunan namin ito ng video footage ng aming mga undercover base sa text message na aming natanggap.
Pag-aari umano ito ng nagngangalang Joey Hizon. Agad tinanggal sa nasabing lugar ang 40 foot trailer matapos namin kaladkarin ang mga opisyales ng barangay patungo sa tahanan ng pamilya Hizon nung Martes din ng gabi.
Para sa tips, reklamot sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 934-6417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga.
Alam ng mga mambabasa kung sino yung lehitimo at mga mapagkunwari sa propesyong to. Alam nila ang ibig sabihin ng salitang RESULTA. Ito ang ginawa nilang panukat.
Malungkot pakinggan na ginagamit lang daw bilang materyales ng ilan sa mga kapatid namin sa hanapbuhay ang kanilang mga idinulog na mga impormasyon, reklamot sumbong.
Hindi sila masisisi kung kayat nagkaroon sila ng sariling pamantayan base sa kanilang mga naranasan. Sana magising na ang ilan sa amin sa industriyang ito sa larangan ng tinatawag nating serbisyo publiko.
Tingnan ko ang tigas mo Ben Tulfo" Tsk tsk tsk mga alagad daw ng batas ang sangkot sa smuggling na to. Ayon sa texter, kasama raw ang mayor ng nasabing lugar. Nasa payroll pa raw ang ilan sa mga tabloid reporters.
Aniya, if you publish this in your column, surely gagawa sila ng paraan para ayusin ka nang huwag lumabas sa media ang kanilang kawalanghiyaan. Tingnan ko ang tigas mo 0920-2082497.
Tahasan naming sasabihin na hindi nabibili at hindi kami ipinagbibili. Bago namin isagawa ang aming surveillance undercover operation gusto naming makipag-ugnayan muna sa impormante. Kung maaari ay tumawag ka sa aming landline sa lalong madaling panahon 932-5310/932-8919.
Tungkol ito sa inutil at mapanganib na 40 foot trailer truck na nakatiwangwang papasok sa loob ng nasabing subdivision. Nakunan namin ito ng video footage ng aming mga undercover base sa text message na aming natanggap.
Pag-aari umano ito ng nagngangalang Joey Hizon. Agad tinanggal sa nasabing lugar ang 40 foot trailer matapos namin kaladkarin ang mga opisyales ng barangay patungo sa tahanan ng pamilya Hizon nung Martes din ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended