^

PSN Opinyon

Tiyaga at pasensiya sa mangga

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Isa sa mga paborito kong prutas ay mangga, kaya nang bumisita ako sa nayon ay hinanap ko si Carpio para magtanong sa pagpapabunga ng mangga. Si Carpio ay eksperto sa mangga.

"Maari bang turuan mo ako sa mga proseso ng artipisyal na pagpapabunga ng mangga, Carpio?"

"Opo Doktor, ito na ang pagkakataon ko para turuan ka,’’ sagot ni Carpio.

"Una, ang punong mangga na handa nang magbunga ay kapansin-pansin ang marupok na dahon. Maitim ang kulay nitong berde mula Oktubre hanggang Enero. Para magbulaklak, kailangang lagyan ito ng kemikal o kaya ay pausukan."

"Gaano ka-epektibo ang pagpapausok at kemikal?" tanong ko.

"Matrabaho ang pagpapausok. Kailangan ng siga sa mismong ilalim ng puno at hayaang dumaan ang makapal na usok sa mga dahon sa loob ng mahigit dalawang linggo. Magastos din ito at walang katiyakan kung magiging epektibo. Ang paggamit ng salitre o potassium nitrate ay epektibo ring pagpapabulaklak ng mangga.’’

‘‘Matrabaho pala talaga,’’ sabi ko.

‘‘Kailangan ay tiyaga at hindi dapat mawalan ng pasensiya. Mula sa pag-iispray, aabot pa ng 14 araw para bumuka nang husto ang mga bulaklak. Maghihintay ka ng 90 araw para lumaki ang mga bunga. Susundan iyan ng apat hanggang walong pagbobomba ng pamatay kulisap at fungicide. Tiyaga at pasensiya Doktor ang kailangan para makakain ng matamis at masarap na mangga.’’

"Sakripisyo pala ano, Carpio? Kaya pala iyong iba ay sa palengke na lang namimitas ng mangga, walang pagod. Kailangan lang meron kang pera."

‘‘Tama ka Doktor."

CARPIO

DOKTOR

ENERO

GAANO

KAILANGAN

MANGGA

MATRABAHO

OPO DOKTOR

SI CARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with