Mag-ingat habang nasa sementeryo
November 1, 2002 | 12:00am
NGAYONG Todos Los Santos dagsa na naman ang magtutungo sa mga sementeryo upang gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay.
Sa panahong ito na walang kaabug-abog ay may sumasabog na mga bomba, dapat na maging alisto at maingat at siyempre kailangan ang police visibility maging sa mga libingan.
Dapat ding maging maingat tayo kina Magna at Mando, mga kababayan nating magnanakaw at mandurukot dahil sasamantalahin nila ang pagdagsa at pagsisiksikan ng mga tao sa mga sementeryo. Iwasang magdala ng maraming pera, alahas at maging mga cellphone.
Hindi miminsang nagkaroon ng away at patayan sa pag-uunahan sa parking space ng mga sementeryo. Dapat ay maging mahinahon at magbigayan ang isat isa at huwag maging mainit ang ulo na kadalasan ay nauuwi sa pag-aaway.
Hindi dapat na gawing ekskursiyon ang pagdalaw sa mga libingan ngayong Todos Los Santos. May mga nagpipiknik pa at kung magpatunog ng kanilang transistor radio ay para silang nagdi-disco at nasa mga karaoke bar. Magugulo ang mga batang nag-uunahan sa pagkuha ng mga naupos na kandila na kanilang ibinibenta. May mga nagsusugal, nagmamadyong at nagtotong-its na nakagagambala sa mga tahimik na nagdarasal sa kapayapaan ng mga kaluluwa ng kanilang yumao. Dapat nating igalang ang mga yumao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended