Nilapitan ko ang mga bata at pinagsabihan na masama ang ganoon. Nag-alisan ang mga batang nanunukso.
Tinanong ko ang bata. Nasaktan ka ba?
Hindi, matapang at may paninindigan nitong sagot. Tila hindi na siya apektado dahil nararanasan na niya ito sa pang-araw-araw niyang buhay. Wala naman akong ginagawang masama, sabi pa.
Tama, pagkampi ko sa kanya.
Ang hindi ko inaasahan ay nang sabihin pa ng bata, Hindi ako nahihiya na putok ako sa buho, dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat. Isinilang ako sa mundo dahil iyon ang gusto ng Diyos.
Humanga ako sa bata at nahuhulaan ko na matalino siya. Tiyak na magiging sikat sa baryo pagdating ng araw.