Sexy actress, idinate ng gurang na businessman sa hotel

ALAM n'yo bang idinate ng isang gurang na businessman ang isang sexy actress sa isang hotel sa Mandaluyong City?

Ayon sa aking bubuwit, 71 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Rep. Jayjay Romualdo ng Camiguin; Rep. Danton Bueser ng Laguna; Mrs. Fortunata Rollan, at kay Mr. Eduardo ‘‘Tatang Dude" Caballero from Bro. Fidel Caballero.
* * *
Alam n’yo bang idinate ng isang gurang na businessman ang isang sexy actress sa isang hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong City?

Ayon sa aking bubuwit, noong October 9, 2002, dakong 8:30 p.m. ay nagtagpo ang actress at businessman sa Richmond Hotel sa Mandaluyong.

Unang dumating si Businessman at kasunod si Actress. Si Actress ay nakasakay sa Honda Civic VTi na kulay puti at walang tint ang salamin.

Seksing-seksi si Actress sa kanyang suot. Siya ay naka-jeans at kulay puting long sleeves na shirt.

Ayon sa aking bubuwit, halos lumuwa ang mata ng mga kalalakihan dahil litaw na litaw ang cleavage ni Actress. Litaw na ang dalawang kabundukan nito.

Ayon sa aking bubuwit, sa fourth floor ng hotel nagtagpo ang dalawa.
* * *
Ayon pa rin sa ating bubuwit, bukod sa sexy actress na may ka-date na businessman, isa pang sexy actress ang nakita rin niya sa hotel ng gabing iyon.

Sino naman kaya ang katagpo ng pangalawang actress doon?

Meron kaya siyang ‘‘shooting’’ doon?

Mas sexy ang actress na ito kasi talaga namang super laki ang mga bumpers. Parang nagmumura sa laki.

Dumating naman siya roon na sakay ng black Isuzu Fuego.

Siya ay si Sexy actress Halina Perez.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na nakipag-date naman sa isang gurang na businessman sa fourth floor ng Richmond Hotel ay walang iba kundi si…

Magkano kaya ang ibinayad ng businessman kay Sexy actress?

Ang actress na nakipag-‘‘shooting’’ sa isang businessman ay walang iba kundi si Ms. C.R. as in Comfort Room.

Show comments