^

PSN Opinyon

Ubos ang terorista

SAPOL - Jarius Bondoc -
TINATAKOT ba natin ang sarili sa balitang naglipana na ang al-Qaeda terrorist cells sa Luzon at Mindanao? O natutunton ba isa-isa ng pulis at militar ang Muslim radicals kaya maglalaho na ang Islamic extremism?

Nakakagimbal ang PNP report na may al-Qaeda cells sa Bulacan at Pampanga. Nito lang 2002, natimbog ang isa ring cell sa Pangasinan, at nahulihan ng mga dinamita ang isang Arabo sa Bataan. Apat daw ang cells sa Pilipinas na may bansag na Mastiqi 1, 2, 3 at 4. Binubuo ang Mastiqi-3 ng mga taga-Jordan, Sudan at Yemen. Ito raw ang nagbomba sa videoke bar sa Zamboanga nu’ng nakaraang linggo kung saan isang sundalong Amerikano at dalawang sibilyang Pilipino ang namatay.

Kasabay ng ulat ng PNP ay babala mula sa Washington na nag-decentralize na ang al-Qaeda. Hindi na raw ito nagre-report kay Osama bin Laden para mag-terrorist attack tulad ng sa World Trade Center nu’ng 9/11. Binigay na sa maliliit na grupo ang pagpaplano at pambobomba.

Nang pasabugin ni Bin Laden ang apat na passenger jets sa New York at Pentagon, hangad niyang umalsa lahat ng Muslim at tirahin ang mga di-Muslim. Hindi gan’un ang nangyari. Sa buong mundo, binatikos ng Muslim leaders ang kahayupan niya. Pati mga radikal na mullah at imam, tinakwil ang terorismo ni bin Laden. Natuwa sila nang bumagsak ang naghaharing Taliban sa Afghanistan. Si Saddam Hussein lang ng Iraq ang kumontra sa US retaliation.

Ginamit ng Muslim governments ang pagkakataon para durugin ang Islamic radicals sa kani-kanilang bansa. Nag-crackdown sa Egypt, Turkey, Algeria at Pakistan. Ang naging problema ng mga Muslim ay ang pagtingin sa kanila ng ibang relihiyon na tila bayolenteng kulto.

Sa pagpatay ni bin Laden ng mahigit 3,000 tao, kinasuklaman siya ng kapwa-Muslim. Hindi naganap ang hangad na pandaigdigang jihad. Sa halip, pagtugis ang inabot ng extremists, katulad ng Jemaah Islamiya sa Pilipinas, Malaysia, Singapore, Indonesia at Thailand. Paubos na rin ang Abu Sayyaf sa Zamboanga, Sulu at Basilan. Kung may bagong cells man ang al-Qaeda sa Luzon at Mindanao, tila nagtatakbuhan na sila.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BIN LADEN

JEMAAH ISLAMIYA

LUZON

MASTIQI

MINDANAO

MUSLIM

NEW YORK

PILIPINAS

QAEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with