^

PSN Opinyon

Paglabag sa garantiya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Rowena ang tagabili at may-ari ng prangkisa ng plota ng mga trak ng kargamento sa buong Luzon. Para madagdagan ang kanyang plota, umorder siya ng dalawang trak mula sa RC Motor Corporation, isang kilalang importer, nagkakabit-kabit at pabrikador ng mga trak. Ang kausap ni Rowena ay si Clemente, ang presidente ng nasabing kompanya. Bago pa sa aktwal na pagbibili, sinabi ni Clemente na ang lahat ng buwis at bayad sa adwana sa mga isper na parte na gamit sa mga trak ay nabayaran na.

Subalit makalipas ang isa’t kalahating taon matapos ang pagbili ni Rowena sa dalawang trak, sinamsam at binimbin ng mga ahente ng gobyerno ang mga trak sa dahilang ang mga buwis at bayad sa adwana ay hindi nabayaran. Matapos ang pagbibili, nagkaroon ng memorandum na kasunduan ang BIR, BOC at ang LTO na nagsasaad na bago pa man irehistro sa LTO ang mga lokal na sasakyang ipinagkabit-kabit na may mga inangkat na parte, isang sertipikasyon ang kailangang kunin mula sa BIR at BOC na magpapatunay na nabayaran na ang mga buwis at sa adwana.

Nang hindi magpakita ng sertipikasyon si Rowena, inatasan ng BIR at BOC si Rowena na bayaran ito kundi ang kanyang mga trak ay malalagay sa poder ng gobyerno. Nagsadya si Rowena kay Clemente upang hingin ang resibo na magpapatunay na nabayaran na subalit tumanggi si Clemente. Walang nagawa si Rowena kundi bayaran ang mga buwis at sa adwana sa halagang P33,000 upang hindi maantala ang kanyang negosyo. Bumalik siya kay Clemente para hingin ang bayad subalit itinanggi muli siya nito. Nagsampa ng kaso si Rowena laban sa kompanya ni Clemente.

Sinabi ng kompanya na wala nang pakialam sila sa problema dahil hindi na nila pagmamay-ari ang mga trak dahil naganap na ang pagbibili rito. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Totoong nalipat na kay Rowena ang pagmamay-ari sa mga trak matapos ang pagbili rito. Subalit bago pa man maganap ang pagbibili, sinabi nilang bayad na ang mga buwis at sa adwana. Ang representasyong ito ay isang pahayag na garantiya ng nagbibili. Ayon sa Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil, alinmang pangako ng nagbibili na nauukol sa bagay ay isang pahayag na garantiya kung ang karaniwang layon ng nasabing pangako ay upang hikayating bilhin ng mamimili ang bagay at dahil sa pagtitiwala rito ay binili ng mamimili ang bagay. Sa kasong ito, binili ni Rowena ang mga trak base sa pahayag na garantiya ng kompanya na bayad na ang mga buwis at sa adwana. Lumabag sa pahayag na garantiya ang kompanya ni Clemente nang itanggi nila ang resibo na siyang pinakamabisang ebidensya.

Ayon sa Artikulo 1599 ng Kodigo Sibil, kailanma’t may paglabag sa garantiya ang nagbili, maaaring piliin ng bumili ang tanggapin o ingatan ang mga kalakal at magsampa ng habla laban sa nagbili para sa mga kapinsalaang naidulot ng paglabag sa garantiya. Ito ang pinili ni Rowena. Iningatan niya ang mga trak dahil kailangan ito sa kanyang negosyo at inihabla rin niya ang kompanya para sa pinsalang naidulot nito.

Samakatwid, ang kompanya ay magbabayad kay Rowena ng P33,000 na may kasamang legal na interes mula nang isampa ang reklamo hanggang mabayaran nang buo, kasama pati ang attorney’s fees na P7,500. (Harrison Motors Corp. vs. Navarro G.R. 152265 April 27, 2000)

ARTIKULO

AYON

CLEMENTE

HARRISON MOTORS CORP

KODIGO SIBIL

KOMPANYA

MOTOR CORPORATION

ROWENA

TRAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with