Ayon sa aking bubuwit, 86 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Mr. Joy Sonza ng Tapatan; Bgy. Capt. Jose Encarnacion mula kay Mayor Roy Loyola ng Carmona, Cavite at Erven Patron from Daddy Francis.
Ayon sa aking bubuwit, matagal na palang may hidwaan ang dalawang opisyal ng isang bayan sa Central Luzon.
Magkaiba kasi ng partido sina Mayora at Konsehala. Simula pa noong nakalipas na eleksiyon ay meron na silang namumuong alitan dahil sa pulitika. Dahil nga sa kanilang hidwaan ay parati umanong hinihiya ni Mayora ang Konsehala.
Minsan nga ay hiyang-hiya itong si Konsehala sa isang medical mission ng mga local officials.
Kasi, nang makita ni Mayora ang konsehala roon ay sinabihan ba naman nang
Ano bang ginagawa mo rito, hindi ka naman kailangan dito. Bagamat napahiya ang konsehala dahil marami ang nakarinig at nakasaksi sa ginawa ni Mayora, hindi na lamang umimik.
Dahil ditoy nagalit si Konsehala at sinugod si Mayor. Sa harap nang maraming tao ay sinabunutan ni Konsehala si Mayora.
Gumanti rin si Mayora. Nagsabunutan, kalmutan at sipaan sila sa harap ng munisipyo.
Mas bata kasi si Konsehala, mga 40-anyos lang samantalang si Mayora ay medyo matanda na.
Ayon sa aking bubuwit, ang konsehalang sumabunot sa mayora ay walang iba kundi si Konsehala C as in Calmot. At ang mayora naman na na-agrabyado sa sabunutan blues ay si Mayora B. as in Bugbog.