Pero may isa pang pakay si Bush sa paggiyera sa Iraq. At itoy para sa ekonomiya ng Amerika. Ang pakay niya ay langis.
Iraq kasi ang pangalawang pinaka-malaking reserba ng langis sa mundo (113 bilyong bariles), kasunod lang ng Saudi Arabia (262 bilyon). Ang pinagsamang reserba ng US, Russia, Venezuela, Indonesia at iba pang bansa sa Middle East ay 500 bilyong bariles. Dahil nilusob ni Saddam ang Kuwait nung 1990, pinaparusahan siya ngayon ng UN. Hindi siya puwedeng magminat magbenta basta ng langis. Hanggang 2.4 milyong bariles lang kada araw, at UN pa ang taga-benta.
Samantala, kinokontrol ng Saudi Arabia ang supply at presyo ng langis. Dominado nito ang Organization of Petroleum Exporting Countries. Hanggang 25 milyong bariles lang ang puwedeng i-produce araw-araw, at halos ikaapat (8.8 milyon) ang sagot ng Saudi. Kaya naglalaro ang presyo ng langis sa $24-$26 kada bariles.
Kung mapabagsak ng US si Saddam at mapalitan ng kakampi, mabubuksan uli ang oil wells ng Iraq. Malalabanan nito ang Saudi Arabia sa produksiyon. Babagsak ang presyo ng langis sa $15-$18 kada bariles. Gaganahan muli ang industriya ng US at Japan, na ngayon ay lubog sa recession.
Pero nagsusugal si Bush. Hindi niya tiyak kung gaano tatagal ang giyera, o kung mapapasuko niya si Saddam. Samantala, ayon sa experts, tataas ang presyo ng langis hanggang $100 kada bariles. Aray!