^

PSN Opinyon

Ang simbahan at ang PAGCOR

- Al G. Pedroche -
KUNG minsan, may mga elemento lalo na sa simbahang Katoliko na tumutuligsa sa mga programa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ironically,
maraming programa ang Simbahan na puspusang suportado ng PAGCOR in terms of financial assistance.

Magkatuwang wika nga sa pagbibigay ng serbisyo sa mga maralita lalo na yaong nangangailangan ng medical service.

Nakalulungkot pero tila ang pagkakaroon ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ay eksklusibo sa mga masalapi. Parang ito’y isang pribilehiyo imbes na karapatan ng bawat Pilipino.

Kaya ano mang batikos ang ibinabato sa PAGCOR maaasahan ito sa pagkalinga sa mga mahihirap na nangangailangan ng medical care.

Alam n’yo ba na kamakailan ay pinasinayaan sa Parañaque ang Our Lady of Peace Hospital na ang pagsisilbihan ay ang mga mararalita nating kababayan? Ito ay isang 100-bed capacity charity hospital na ang ipinagkakaloob na medical service ay matatawag na high standard?

Ito’y maglilingkod din sa mga nangangailangan ng operasyon, manganganak at pasyenteng nangangailangan ng intensive care.

Ito’y proyekto ng Foundation of Our Lady of Peace Mission Inc. (FOLPMI) sa pamumuno ng ating kaibigang si Fr. James Reuter na siyang chairman ng foundation. Ang founder at presidente ng samahang ito ay ang 1997 Ramon Magsaysay Awardee for community leadership na si Sr. Eva Fidela Maamo.

Ang PAGCOR ay isa sa mga major benefactors ng pagamutan. Ito’y nagdonasyon ng kabuuang P58 milyon sa pagtatayo ng ospital at pagbili ng mga modernong kagamitan.

Ayon kay PAGCOR chair Efraim Genuino, ito’y ambag ng korporasyon sa layunin ni Presidente Arroyo na lingapin ang mga mahihirap na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.

Pinasasalamatan ko rin ang PAGCOR dahil nakapag-refer din tayo ng ilang mahihirap na pasyenteng walang atubili nitong tinulungan.

Mabuhay kayo and keep up the good work. Talagang kapag namumunga ng mabuti ang institusyon, natural lamang na ito’y pupukulin.

Masakit nga lang ang mabukulan pero tiis lang.

Sabi nga ng kawikaan – you can never put a good man down.

EFRAIM GENUINO

FOUNDATION OF OUR LADY OF PEACE MISSION INC

JAMES REUTER

OUR LADY OF PEACE HOSPITAL

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PRESIDENTE ARROYO

RAMON MAGSAYSAY AWARDEE

SR. EVA FIDELA MAAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with