Hinagpis ni Honasan
September 21, 2002 | 12:00am
GUSTO ni Presidente Arroyo na maglunsad ng modernization program para sa Philippine National Police (PNP). Humihirit ng mas malaking pondo sa Kongreso.
Sagot daw ito sa grabeng kriminalidad sa bansa. PNP modernization? Baka pati mga kriminal eh maging moderno rin lalu pat iisipin ang ilang bugok na elemento sa pulisya na kakutsaba ng mga masasamang loob sa lipunan. Joke lang.
Medyo sarcastic lang ako pero naniniwala ako sa modernisasyon. Ngunit kung may programa nga pero hindi naman maipatupad, anong silbi nito?
Example, mayroong programa ang gobyerno sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Matagal nang aprubado pero hindi naipatutupad dahil sa kakapusan ng pondo.
Dahil nga ritoy naghihinagpis si Sen. Gregorio Honasan. Di natin siya masisi. Galing siya sa militar at may malasakit sa organisasyon.
Kaya sa gitna ng panawagan ng Pangulo na i-moderno ang PNP, sigaw ni Gringo AFP muna!"
Umiigting nga naman ang tensyon sa mundo. Nagbabadya ang digmaan sa harap ng mga akto ng terorismo sa daigdig.
Ayaw kong maging propeta ng lagim. Pero sa harap ng mga nakasisindak na katotohanang ito, di ba dapat maging handa lang talaga ang ating bansa?
Sa Malaysia nga lang ay nagiging api-apihan ang Pinas. Baka kung magkagulo sa daigdig, mabura sa mapa ang ating Inambayan!
1996 pa nang pagtibayin ang AFP modernization. Pero sa isang hearing ng Senado, inireport ng mga kinatawan ng Department of National Defense na P10.9 bilyon pa lang ang nailalaang pondo para dito.
Pinuna ni Honasan na napakaliit na bahagi lamang ng inilaang halaga ang naipalabas sa pagbili ng mga kinakailangang armas at iba pang military equipment.
Isang potensyal na mitsa ng digmaan ang nagkakasalungat na pag-angkin ng mga Southeast Asian countries sa Spratly group of islands sa South China Sea. Eh kung dahil diyan ay sumiklab ang armed confrontation at di tayo handa, ano nang kalalabasan natin?
Tama si Gringo. Kung hindi magseseryoso ang gobyerno sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, lalong manlulupaypay ang kapabilidad ng ating militar. Magiging katatawanan ang Pilipinas sa mga kapitbansa natin ASEAN.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am