^

PSN Opinyon

Ang MIB photo-op ni GMA & Co.

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KUNG gimik lamang upang pag-usapan ang pagpapakuha ng retrato ala "Men in Black" ni President Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang ilang piling miyembro ng kanyang Gabinete, masasabing nakamit ng mga nagpakulo nito ang kanilang hangarin. Talaga ngang paksa ito ng pagtatalo ng iba’t ibang sektor hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Sigurado ngang papatok na pag-usapan ang retrato nina GMA, Defense Sec. Angelo Reyes, Finance Sec. Isidro Camacho, Trade Sec. Mar Roxas at Executive Secretary Alberto Romulo. Ginaya nila ang porma at ayos ng mga sikat na artista ng pelikulang "Men in Black" na sina Tommy Lee Jones at Will Smith.

Subalit mas nakararami ang bumabatikos sa pagpapakuhang ito ni GMA at mga kasama sapagkat para raw nagpapa-kenkoy at inilalagay nila sa katawa-tawang kalagayan ang kani-kanilang posisyon bilang mga matataas na opisyal ng bansa. Lalo raw nakatulong iyon sa pagpababa ng dignidad at respeto ng taumbayan sa Pilipinas na ngayon ay nasasadlak sa kahirapan at mga kaguluhan.

Sa pagtatanggol na inihayag naman ng mga kaalyado ng "Malacañang in Black", sinabi nilang hindi masama ang pagpaparetrato sapagkat hindi naman iyon nakababawas sa pagka-presidente ni GMA. Makatutulong pa nga raw sapagkat nagbibigay mensahe sa pakikipaglaban ni GMA sa kasamaan.

Ako ay sanay na sa mga ganitong mga gimik at pakulo. Naging parte na ito ng aking trabaho noon bilang isang pinuno ng ilang advertising at PR agencies. Maging anuman ang tangka ng mga nagpakulo ng pagpaparetrato nina GMA, makabubuti man o hindi ito na ngayon ang pinag-uusapan sa lahat ng dako. Di ba exposure rin ito?

ANGELO REYES

DEFENSE SEC

EXECUTIVE SECRETARY ALBERTO ROMULO

FINANCE SEC

ISIDRO CAMACHO

MAR ROXAS

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TOMMY LEE JONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with