Baon sa multi-milyong pisong utang ang CBCP sa pagbagsak ng proyekto nitong CBCPNet, isang e-vangelization project para ipangaral ang Katolisismo sa pamamagitan ng website.
"Ipinagamit" lang daw ng CBCP ang pangalan nito sa mag-asawang Eman and Mardie Lim na siyang nanguna sa proyekto. Itoy ayon mismo sa dating CBCP president at CBCPnet chairman Archbishop Oscar Cruz. Aniya, ang simbahan ay hindi nagbuhos kahit isang kusing sa proyekto.
Nagtatanong ang ilang kaibigan ko sa business at civic circle: "How come the CBCP was bled dry as Archbishop Cruz claimed that the church was duped of P190 million by the Lim couple?"
Tanong naman ng isa pa: Babayaran ba ng CBCP ang pagkakautang ng CBCPnet sa mga nagpautang dito?
Ginagarantiyahan ng CBCP ang lahat ng transaksyon kaugnay ng pagtatayo sa CBCPnet. Itoy batay sa resolusyong aprobado ng CBCP board noong Disyembre 1, 1999. Nakapaloob din ito sa isang notaryadong "Secretarys Certificate" na inisyu noong May 22, 2000 ng nooy CBCP asst. secretary Msgr. Pedro Quitorio III.
Kaya naman 40 creditors ang tiwalang nagpautang ng P300 milyon halaga ng mga kasangkapan sa CBCP net.
Pero sinabi ng Arsobispo na walang pananagutan ang CBCP sa mga pagkakautang na ito. Tanong tuloy ng mga negosyante: "Bakit? Hindi ba puro top CBCP officials ang kumatawan sa proyekto nang ipatupad?"
Oo nga naman. Karamihan sa bumubuo sa 5-man board ng CBCPnet ay miyembro ng CBCP? "Or did the Church really issue that Secretarys Certificate through Msgr. Quitorio in the first place?"
Nakakaalarma ang mga ulat na sina Arsobispo Cruz, Msgr. Quitorio at CBCP treasurer Bishop Honesto Ongtioco ay naging CBCPnet incorporators sa kanilang personal na kapasidad at paid-up capital na halos isang milyong piso bawat isa. How come may ganoong halaga ang mga pari?
Siguro galing sa mag-asawang Lim ang puhunang nabanggit. Pero saan mang anggulo tingnan, may masisilip na moral issue.
Ang mga Pari ay may vow of poverty na malalabag kung papasok sila sa ano mang business venture. Puwede nilang imatuwid na layunin nilang sagipin ang Simbahan sa malaking pagkakautang sa mga creditors ng CBCPnet. Balita koy nais ituloy ng Simbahan ang pumalpak na proyekto kahit walang puhunan maliban sa impluwensya at kompiyansa ng tao rito.
Anang kaibigan kong negosyante (at sumasang-ayon ako) "ang pagpasok sa negosyo via freeloading ay NAKAKAHIYA at IMMORAL."