Uugod-ugod na gurang sa Ombudsman?
September 10, 2002 | 12:00am
ISANG masangsang na amoy ang nasinghot ng mga kuwago ng ORA MISMO. May isang amoy malansang damatang uugod-ugod daw ang sinasabing uupo sa tanggapan ng Ombudsman kapalit ni retired Chief Ombudsman Aniano Desierto. Hanep daw kasi ang political backer ni Tanda.
Naamoy ng mga kuwago ng ORA MISMO na kabalen daw si tandang Bertong Abistos, ang sinasabing Cabinet member noon ni Dadong Macky.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat magamit sa pulitika ang tanggapan ng Ombudsman. Oras na nangyari ito, laking kamoteng problema ang mangyayari porke may mga political pressures galing sa political backers ang uusbong kaya siguradong hugas hands sila sa mga kasong papasok dito. Huwag naman sanang mangyari, Alle-luga, este mali halleluya pala.
Utang na loob ang magiging isyu rito! Praise the lord.
Sa impormasyon ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming matitikas, magigiting at magagaling na tao ang nag-apply para sa puwesto ni Desierto.
Putok ang mga pangalan nina Yorac, Perez, Marcelo, Zuño at June Gervacio pero ang nakailalim at ngumingisi nga raw ay itong si Bertong Abistos. Malapit na siyang makauto este mali pala maluklok.
Ang Judicial Bar Council (JBC), ang hihimay sa mga kandidato para sa nasabing puwesto. Magbobotohan ang mga ito kung sino ang karapat-dapat sa trono at si Prez Gloria ang finale. Sa rekomendasyon ng JBC ito pa rin ang may final say kasi siya ang magtataas ng kili-kili este mali kamay para umupo sa trono bilang bagong hari ng nasabing office.
Kailangan siguro pairalin ang equity of the incumbent para hindi ma-demoralized ang mga empleado rito sabi ng kuwagong haliparot sa kabaret ng Caloocan City.
Kasi tiyak na kapang-kapa nito ang movement ng mga taong nasasakupan niya, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Gamay na gamay din nito ang mga kasong nakabinbin dito, sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong sa Cavite.
Eh, kung damatan ang ilalagay magkakahetot-hetot ang kaso?
Baki naman?
Iba ang panahon ngayon kasi wala pang Ombudsman noong araw.
"Sino ang dapat umuupo sa binakanteng puwesto ni Desierto?
Tiyak si Prez Gloria lang ang nakakaalam niyan.
Korek ka diyan kamote. Maghintay na lang kayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest