Subalit, hindi ito dito natatapos, sakali mang mabigyan ito ng kaukulang lunas nariyan pa rin ang patuloy na pagbaha sa ibat ibang lugar, kasabay ng mabilis na paglaganap ng ibat ibang sakit gaya ng cholera, amoebiasis at sakit sa baga na dulot ng maruming tubig at hangin.
Nais ko pong ipabatid na isa sa mga dahilan ng patuloy na pagbabaha lalung-lalo na sa kasagsagan ng ulan ay bunga ng mga tambak na basura sa mga baradong esterot kanal. Samantalang ang mabilis na paglaganap naman ng mga sakit ay bunga ng mga katas ng basura na humalo sa mga linya ng tubig, na nagresulta sa pagkaka-kontaminado nito. Habang ang mabaho at maruming amoy naman ay sumasama sa hangin na nagiging dahilan ng polusyon.
Dahil dito, hinihikayat ko ang mga kababayan na ugaliin ang tamang pagtatapon at pangangalaga ng ating basura o proper waste management gaya ng pagre-recycle, pagde-decompost sa mga nabubulok na bagay na maaaring gawing pataba, at higit sa lahat ay ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lugar upang maiwasan ang paglaganap ng ibat ibang sakit, at nang mapanatili natin na malinis ang kapaligiran upang mapangalagaan ang ating kalusugan.