^

PSN Opinyon

Gen.Ebdane, marami ang maniniwala sa iyo kapag...

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PATI mga rogue cops ay binantaan na rin ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Nangako si Ebdane na hindi niya sasantuhin ang mga tiwaling miyembro ng pulisya at binalaan niya ’yaong tumatahak ng maling landas na tumigil at magbago na kung gusto pa nilang manatili sa serbisyo at makinabang ang kani-kanilang pamilya sa mga sangkatutak na benefits na nakalaan para sa kanila.

Ayon kay Ebdane,walang distinction o pinipili ang kampanya niya laban sa rogue cops sila man ay miyembro ng Maritime Command o anumang unit basta sila ay aarestuhin at ipaparada ni Presidente Arroyo sa media para hindi na tularan ng iba. Kung ang mga accomplishment ni Ebdane nitong mga nagdaang mga araw ang gagawing basehan, mukhang nasa tamang landas siya sa kanyang kampanya laban sa mga kriminal at rogue cops. Baka darating ang araw na magsawa na si GMA sa kapiprisinta ng mga kriminal at rogue cops sa media dahil nga sa sobrang sipag ng mga pulis natin na manghuli sa ngayon.

Pero para maniwala sa kanya ang sambayanan, dapat sigurong unahin ni Ebdane ang paghuli sa mga tiwaling miyembro ng Task Force Jericho na patuloy pa rin sa pamamayagpag sa kanilang ‘‘tong’’ collection activities. Sila ay may apelyidong Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare. Panay mga opisyal ng pulisya ang mga ’yan Sir kaya’t may karapatan kang habulin sila at hambalusin. Kapag nahuli mo na ang mga taong aking nabanggit, iparada mo rin sila sa media para patunayan sa publiko na walang kinikilingan itong kampanya mo na linisin ang hanay ng pulisya.

Kung sabagay, matagal na ang operasyon nitong sina Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare pero mukhang hindi pa alam ni Interior Secretary Joey Lina ang kanilang ilegal na gawain. Baka nagbulag-bulagan lang si Lina? Tanong ng mga pulis na nakausap ko. Ang tanong ngayon ng marami, bakit itong si Lina eh lampas 100 days na ang jueteng campaign niya ay wala pa siyang ipiniprisinta sa media? Samantalang si Ebdane eh halos magdadalawang buwan pa lang sa puwesto eh hingal kabayo na si GMA sa kapiprisinta ng mga huli nila? Liderato kaya ang problema? Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na brusko ang dating ni Ebdane sa paglaban sa kriminal at mga rogue cops samantalang itong jueteng campaign ni Lina eh mukhang ‘‘bading’’ ang dating. Kahit palaging nakasimangot itong si Lina, mukhang hindi na siya pinapansin ng mga opisyales ng pulisya at local government units dahil sa pagkabulgar na tumatanggap din pala ng payola ang Task Force Jericho sa mga gambling lord.

Abo’t langit ang pagtatwa ni Supt. Noel Estanislao hepe ng Task Force Jericho sa akusasyon subalit hindi siya puwedeng magsinungaling sa sambayanan, lalo na ang masa. Abot nila ang kalakaran sa kalye kaya’t naniniwala silang namantikaan ang nguso ni Lina sa jueteng nga. Dapat kumilos na si Lina bago maging huli ang lahat. Utusan niya si Ebdane na dakpin at iparada sa media sina Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare para maniwala ang sambayanan na wala siyang pakialam sa tong collection activities nila.

APACIBLE

CAYABYAB

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR. NANGAKO

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

LINA

MOJARES

SABARE

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with