Malabong pagkuwenta ng interes
August 28, 2002 | 12:00am
SI Rod ay isang negosyante na nag-aangkat ng mga kagamitang pang-konstruksyon mula sa ibang bansa. Sa pagbabayad ng kanyang mga importasyon, pinauutang siya ng bangko sa ilalim ng tinatawag na letter of credit.
Sa ilalim ng ganitong transaksiyon binabayaran na ng bangko ang buong halaga ng importasyon matapos makapagdeposito si Rod ng 30 percent nito. At pagdating ng importasyon ibinibigay na ng banko kay Rod ang kalakal at pinapipirma sa trust receipt kung saan dapat bayaran niya (Rod) ang halaga ng importasyon sa loob ng tinakdang panahong napagkayarian nila na may 12 percent interest.
Kaya sa isang importasyon ni Rod ng Caterpillar Payloader na may halagang P250,000 nagdeposito siya ng P75,000. Samantala, pinadala na ng banko ang letter of credit sa nagluwas ng caterpillar mula sa ibang bansa. Dumating ang caterpillar at itoy ipinagkatiwala kay Rod matapos pumirma sa Trust Receipt.
Binayaran ni Rod sa banko ang halaga na ang importasyon ng unti-unti. Pagdating ng takdang panahon kung kailan dapat nakabayad na ng buo si Rod, lumalabas na may balanse pa siyang P119,614.38. Ngunit ayon sa kuwenta ni Rod, sobra pa ng P8,379.62 ang naibayad niya.
Ayon sa banko ang buong halaga ng importasyon na P250,000 ay dapat daw kumita ng 12 percent interes. Ayon naman kay Rod, dapat lang bawasin ang deposito niyang P75,000 sa halagang papatawan ng 12 percent interest. Kaya P175,000 lang ang papatawan ng 12 interest. Sino ang tama sa kanila?
Tama si Rod. Hindi maliwanag sa dokumento ng banko ang paraan ng pagkuwenta ng interest. Ang malinaw lang dito ay ang 12 percent interest. Dahil hindi nga malinaw sa dokumentong ginawa ng banko na pinapirmahan lang kay Rod, kung ang interest na 12 percent ay ipapataw sa buong halaga ng importasyon. (P250,000) o sa halagang natitira matapos awasin ang depositong P75,000. (P175,000), ang kalabuang itoy bibigyan ng kabuluhang pabor kay Rod. Kaya bawasin ang na-deposito sa halagang papatawan ng 12 percent interest (Security Bank vs. Court of Appeals G.R. No. 115997 November 27, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended