Ako ay miyembro ng Pag-IBIG at nakapag-housing loan. Limang taon na akong nagbabayad subalit nitong taong ito ay pumalya ako sa pagbabayad ng apat na buwan. Nawalan ng trabaho ang aking asawa kung kaya hindi namin nabayaran ang amortization. Nakakita na ng trabaho ang aking asawa at sa susunod na buwan ay papasok na siya.
Puwede po ba akong mag-apply ng restructuring ng aking loan? Ayaw ko pong mawala ang aming tahanan, nais ko po sanang maliwanagan tungkol sa loan restructuring. MARIO ANTONIO
Ang mga loan borrowers na hindi makapagbayad ng tatlong buwan ay maaaring mag-apply para sa loan restructuring at penalty condonation. Sa penalty condonation, hindi na isasama sa babayaran ang mga multa subalit ito ay maaaring mangyari lamang kung lahat ng mga arrears ay mabayaran o masasama sa pag-restructure.
Ang na-restructure na loan ay mabibigyan ng 9 percent hanggang 14 percent na interes kada taon, depende sa halaga ng loan. Ang na-restructure na loan ay mababayaran sa loob ng 20 taon o ang natitirang term ay original loan, kung alinman ang mas mahaba.
Para sa karagdagang impormasyon maaari kang makipag-ugnayan sa Pag-IBIG Housing Group; North Sector Billing and Collection 1, 3/F Atrium Bldg., Makati Ave., Makati City tel. no. 848-8238, Billing & Collection II, tel. no. 848-8280; South Sector Billing & Collection, Mezzanine, Pacific Center Bldg., San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig City tel. nos. 634-8410 & 637-5614.