^

PSN Opinyon

Ipinaoperag kanan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Nitong nagdaang araw halos kapansin-pansin ang maanghang na balitaktakan sa radyo at telebisyon hinggil sa malpractice. Maraming doktor ang inireklamo ng kanilang mga pasyente.

At kabilang si Mr. Vic G. Chan na nagrereklamo hinggil sa maling operasyon sa kanyang mata. ‘‘Kaliwa po ang may diperensiya e bakit kanan ang nabulag?’’

Nitong nagdaang Sabado, Agosto 24, 2002 ay personal na nakipagkita sa akin si Mr. Chan ng New Manila, Quezon City upang ipahayag ang karanasang hindi niya makalilimutan habang siya’y nabubuhay. At sana’y ito’y magsilbing babala sa lahat ng may sakit sa mata.

Ayon kay Mr. Chan, nagtungo siya sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City upang ipasuri ang kanyang kaliwang mata na nanlalabo at walang patid na pagluha. Kaagad siyang itinuro kay Dr. Mario V. Aquino, pinuno ng Institute of Opthalmology.

Nang masuri ni Dr. Aquino ang kanyang mga mata, kaagad siyang inirekomenda sa pamangkin nitong si Dr. Vicente O. Santos na umano’y isang dalubhasa sa mga sakit sa mata.

Nang sila ay nagkausap ni Dr. Santos kaagad na itinakda ang operasyon ngunit sa Fatima Hospital na lamang umano isasagawa ang operasyon dahil ito lamang ang may kumpletong kagamitan.

February 8, 2002 inoperahan ni Dr. Santos ang kanyang kaliwang mata at kinabukasan February 9, ay muli siyang isinalang sa operating room. Mahigit dalawang oras siyang nakahiga sa naturang kuwarto dahil ang anesthesiologist na si Romel Almoro ay na-late sa pagpasok. Ano ba yan?

Naisakatuparan ang operasyon sa kanyang mata ng araw na iyon. Agad siyang dinala sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga.

Noong February 10, 2002, pinayagan na siyang umuwi sa kanilang tahanan. Kinabukasan, nagtungo siya sa St. Luke’s hospital upang muling ipasuri ang kanyang mga mata.

Makalipas ang apat na araw, namaga at nakaramdam ng higit na kirot si Mr. Chan sa kanyang kanang mata. Muling isinagawa ang operasyon at sinabihan umano siya na gagaling ang kanyang mata sa loob lamang ng isa o dalawang linggo.

‘‘Ang masakit pa nito ilang buwan na ang lumipas hindi pa rin gumagaling ang aking mata at nang ako’y muling bumalik sa kanilang tanggapan ako ay kanilang kinumbinse na magsanay na lamang sa isang mata.

‘‘Hindi na nila sinasagot ang aking tawag sa telepono at tila iniiwasan na ako. Napilitan akong magtungo sa ibang bansa upang maipasuri ang aking mga mata at ako ay nagimbal ng sabihin na ang aking mata ay bulag na."

Ay mali! Kaliwa ang ipinagagamot bakit kanan ang nasira? Ano ba iyan? Matapos gumastos ng daang-daang libong salapi ay ito pa ang daranasin mo? Marahil dapat lamang na isama ito sa usapin diyan sa Senado.

ANO

DR. AQUINO

DR. MARIO V

DR. SANTOS

DR. VICENTE O

KANYANG

MATA

MR. CHAN

QUEZON CITY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with