Casual waiter si Herbert sa isang otel sa Quezon City. Isang hapon, napulot niya ang bag na naiwan ng customer sa coffeeshop. Laman ay $100,000 cash, mahigit P5 milyon! Hinanap niya agad ang customer at siniguradong maibalik ang pera.
Nabalitaan ng media ang pangyayari. In-interview si Herbert sa TV news. Bakit daw hindi niya sinolo ang pera, lalo nat por-araw lang siyat sumusuweldo ng P28 isang oras. E, sa yon daw ang unang naisip niya na tamang gawin. Turo raw ng nanay niya na huwag angkinin ang pag-aari ng iba.
Ni-reward ng otel si Herbert. Binigyan ng gift certificate para sa libreng tanghalian: Adobo na karaniwang mabibili sa employees canteen. Inabutan ng P50 na pamasahe. In-interview uli si Herbert sa TV kung ano ang masasabi niya. Galak siya sa ibinigay na reward, hindi naman daw niya inaasahan yon.
Tuwang-tuwa ang ibang customers na nakapanood kay Herbert. Hinanap siya para abutan ng tip. Naging celebrity siya. Ipinatawag siya ni Tourism Secretary Dick Gordon para bigyan ng permanenteng trabaho sa Duty-Free Shop. Tahimik na nag-resign si Herbert sa otel.
Notorious ang otel na iyon sa bad service. Ang bagal i-deliver ng order, kulang-kulang pa ang kubyertos. Notorious din ang paglaganap ng pagka-ganid sa mga Pinoy. Ginagawang katuwiran ang kahirapan para lumabag sa batas, o kayay ginagawang laro ang panggagantso sa kapwa.
Sinulat ko ito para dakilain si Herbert at mga katulad niya. Hindi mabibigay ng salita ang mga materyal na pangangailangan ni Herbert: Bahay at lupa para sa pamilya, pera pang-iskuwela ng anak. Pero dapat ipaalam sa madla ang kagandahang-loob niya. Masuwerte ang pamilya niya dahil sa gintong pangalan niya. Pamarisan sana siya.