Tuwang-tuwa ang mga magsasaka sapagkat nagmay-ari sila ng mamahaling lupain. Nagsusulputan kahit saang dako ang mga matataas na gusali.
Isang araw, isang mayamang negosyante ang nag-alok sa mga magsasaka para bilhin ang kanilang mga lupa. Mataas ang alok dahil sampung beses ang taas.
Lahat ay nagbenta ng lupa maliban sa isang magsasaka. Tumanggi siya sa alok ng negosyante. Inalok ng negosyante sa presyong dalawampung ulit na mas malaki. Ayaw ng magsasaka.
Inalok siya ng sampung milyong piso. Ayaw pa rin ng magsasaka. Hanggang sa ihayag nito ang planong pagtatayo ng punerarya. Nataranta ang negosyante at pinuntahan ang magsasaka at inalok ng P20 milyon.
"Gawin mong P25 milyon," sabi ng magsasaka.
Pumayag ang negosyante. Nagbayaran.
Isang kaibigan ng magsasaka ang nagtanong "Talaga bang plano mong magtayo ng punerarya?"
Tumawa ang magsasaka "Hindi, pero alam kong iyon ang paraan para pumayag ang negosyante na bilhin ang ang aking lupa sa presyong gusto ko."