Nang makita niya ang gusali na mahigit sa 20 palapag ay lalo siyang humanga. Nang sumakay siya sa elevator ay tila umakyat ang kanyang puso sa lalamunan. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang tumatakbong LRT.
Makalipas ang isang linggong pagbabakasyon sa siyudad at pabalik na sa baryo ang magsasaka. Habang nasa bus station, napansin niya ang computerized na timbangan. Lumapit siya at inusyuso iyon. Niyapakan niya at nagkaroon ng ilaw at nabasa niya ang mga katagang MAGHULOG NG BARYA. Ginawa niya iyon at lumabas ang isang papel na may nakasulat: IKAW 120 LIBRAS. ISA KANG MAGSASAKA. PAUWI KA NA SA INYO SA KALINGA-APAYAO.
Hindi siya makapaniwala sa nabasa sa papel na tila nagpapakita na may talino ang timbangan.
Bumalik ang magsasaka sa upuan at may naisip na kalokohan. Sinuot niya ang pang-atletang jacket na bigay ng kanyang pinsan. Isinuot din ang sumbrero at sunglasses. Bumalik siya sa timbangan at naghulog ng barya. Agad na lumabas ang isang papel na may nakasulat. Nabasa niya: IKAW PA RIN ANG MAGSASAKA KANINA. IKAW PA RIN AY MAY 120 LIBRAS. IKAW AY PAUWI SA KALINGA-APAYAO. PERO IKAW AY TANGA, ANG BUS NA SASAKYAN MO AY NAKAALIS NA!