^

PSN Opinyon

Hiwaga sa pagkasunog ng Lung Center

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY ilang mga empleyado ang personal na lumapit sa akin upang makiusap na sana’y mabigyan pansin ng Pamahalaang Arroyo ang pagkasunog ng Lung Center of the Philippines (LCP).

Ayon sa kanila nasunog umano ang LCP noong May 16, 1998 sa pamumuno ni Dr. Jose Pepito Amores na kahina-hinala ang dahilan. Nagmula ang sunog sa ilalim ng hagdanan ng naturang gusali na kung saan nakaimbak ang mga mahahalagang dokumento na naglalaman ng anomalya at opinyon ng COA sa pagbili ng mahalagang kagamitan at supplies.

Kaagad umanong komontrata ng demolition team si Amores upang gibain ang debris ang mga natupok na gusali. Na ayon sa kanila ay upang maitago ang kadahilanan ng naturang sunog.

Maging si Dr. Calixto Zaldivar ay walang naisumiteng dokumento sa mga kagamitan ng supplies sa mga naabong gamit nang naturang ospital.

Pagkatapos ng sunog nawawala ang ilang mahahalagang kagamitan tulad ng x-ray at Cobalt machine na nagkakahalaga ng milyones at pati ang CT-Scan machine na naka-warehouse sa pier ay naglaho sa hindi malamang dahilan.

Umaabot sa P16 milyon ang halaga ng kagamitan ng LCP ang nawawala matapos na masunog bukod sa mga medical equipment ay nasunog din ang 12 computers na nagkakahalaga ng P120,000 bawat isa na binili sa ilalim ng rent-to-own na binayaran ng buo kahit sunog na.

May halagang P600,000 computer software naman na ina-ward sa PRO-IT, isang kompanya na napagwagian sa isang bidding pero lumitaw na isang araw pa lamang itong nakarehistro sa SEC. Samakatuwid hindi pa ito kompanya o rehistrado ang PRO-IT nang isagawa ang bidding. Tila nga mahiwaga mga suki.

Ayon sa aking espiya natuklasan umano ng bagong administrasyon na umaabot lamang sa P40,000 ang kapital ng PRO-IT pero nakakuha ito ng P600,000 halagang kontrata, ang suwerte naman nila di ba mga suki?

Bukod sa bidding natuklasan din ang overpriced equipment kabilang dito ang pagbili ng Chiller ng grupo umano ni Amores ng P6 milyon noong 1998, ngunit nang bumili ang National Kidney Institute ay halagang P4.5 milyon lamang nitong taong 2000.

Bumili rin ang Amores administration ng 275 units na nagkakahalaga ng P3.5 milyon telephone system na ang talagang kailangan lamang ay 50 units at 225 units na hindi nagamit ay nagkabulok na lamang sa bodega. Ano ba ’yan? Sinasayang ninyo ang perang galing sa kaban ng bayan!

Marami pa silang nailahad sa akin mga suki. Ang tanging hiling lamang nila ay mabigyan sana ng tamang imbestigasyon ang naturang mga reklamo. Tinatawagan ko ang Senado na imbestigahan agad ninyo ito. Patawan ng kaparusahan ang may sala.

ANO

AYON

BUKOD

BUMILI

DR. CALIXTO ZALDIVAR

DR. JOSE PEPITO AMORES

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

NATIONAL KIDNEY INSTITUTE

PAMAHALAANG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with