Subalit ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng malusog na katawan ay ang pagdidiyeta. Malaking bagay ang tinatawag na balanced diet. Dahil sa sobrang ganang kumain at sa katakawan kaya nga may mga obese. Hindi magandang tingnan ng taong malaki ang tiyan puro bilbil, at doble ang baba dahil sa katabaan.
Narito ang ilang paraan sa pagdidiyeta: Kumain ng tatlong beses sa isang araw. Kumain ng sariwang gulay, prutas at kaunti lamang ang kaining karne. Iwasan ang mga pagkaing de lata at softdrink. Sa mga lalaking nagpapalaki ng katawan dapat na kumain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates.
Kung mag-didiyeta ang mga may high blood at diabetes, dapat na kumunsulta sila sa doktor. Ugaliing uminom ng fruit juices at maraming tubig. Anim hanggang walong basong tubig ang dapat inumin sa araw-araw. Itoy malaking tulong sa sirkulasyon ng dugo.