^

PSN Opinyon

Simula na ng labu-labo sa pulitika

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MAY pakiramdam ako na marami ngayon ang nababagabag ang kalooban at ang iba naman ay lumulundag ang puso sa kasayahan dahil sa lumabas na poll survey ng Ibon Foundation kamakailan lamang. Natitiyak kong may iba’t ibang reaksyon ang mga presidentiable na kasama sa survey at ng kani-kanilang mga kampo. Siyempre, may mga magpapalaki ng apoy at mayroon namang maninira sa ginawang survey.

Sa isinagawang poll survey ng Ibon, tinanong nila ang 1,014 na tao sa buong bansa kung sino ang pipiliin nilang presidente kung gaganapin ngayon ang election? Ang nanguna at may pinakamalaking kalamangan ay si Education Sec. Raul Roco na may 19.96 percent. Sumunod si Joseph Estrada na may 14.08 percent at ikatlo si Gloria Macapagal-Arroyo na may 11.13 percent. Sinundan naman ito nina Panfilo Lacson 9.66 percent; Loren Legarda 7.56 percent, Fernando Poe Jr. 5.25 percent at Teofisto Guingona, 5.25 percent.

Sa lumabas na resulta, malayo ang agwat ni Roco kay GMA. May nagbalita sa akin na galing sa Malacañang na hindi raw natitigatig si GMA at ang kanyang kampo sa kinalabasan ng nasabing census sapagkat hindi naman ito talagang malawakan dahil sa 47 percent lamang ang sumagot sa survey.

Marami ang nangangamba na ito na marahil ang tunay na simula ng malawakang pamumulitika ng iba’t ibang panig sa ating bansa. Sinasabi nila na sa halip na kinakailangan ngayong serbisyong publiko, ang lalong pag-iigihan ni GMA at ng kanyang kampo ay ang pamumulitika at paglulunsad sa totohanang pagkakandidatura upang makalamang sa mga tatakbo sa pagka-presidente sa 2004.

Sa kabilang dako naman, ngayon pa ba titigil pumorma ang oposisyon lalo na’t sa tingin nila ay bumabandera pa rin si Erap, Sen. Ping Lacson at ang kaalyado nilang si Fernando Poe Jr. Hindi rin nahuhuli sina Senators Ed Angara at Nene Pimentel. Inaakala marahil nila na kaya nilang pataubin si GMA. Sa palagay ba ninyo ay magiging dedma na lamang itong si Roco upang magbakasakaling muli sa 2004 ngayong nagiging numero uno na siya sa survey? Paano kung maglakas-loob din si Loren Legarda sa pagka-presidente sa susunod na election? Hindi na malayo ang labu-labo sa pulitika sa ating bansa.

EDUCATION SEC

FERNANDO POE JR.

FERNANDO POE JR. HINDI

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IBON FOUNDATION

JOSEPH ESTRADA

LOREN LEGARDA

NENE PIMENTEL

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with