Totoo nga kayang may nagtatangka sa buhay ni Sonny Parsons?
July 29, 2002 | 12:00am
KALIWAT KANAN ang papuri na inani ni dating Hagibis member at action star Sonny Parsons bunga sa pagpatay niya ng dalawa sa mga Waray gang at pagkasugat sa isa pa na nanloob sa bahay niya sa Marikina City noong Hulyo 18. Hindi lang si Presidente Arroyo kundi ang buong sambayanan, maliban na siguro sa mga masasamang-loob, ay tumingala sa katapangan at buo ang dibdib na pagsagupa ni Parsons sa mga magnanakaw na halang ang mga kaluluwa.
Subalit nitong nagdaang mga araw, mukhang ang lahat ng papuri na tinanggap ni Parsons ay umakyat na sa ulo niya. Mapupuna na halos lahat ng kilos ni Parsons ay nasa diyaryo, TV at radyo kayat hindi nalalayo na maakusahan siya na publicity hungry o dili kayay sini-sensationalize lamang ang mga kasunod na pangyayari sa tahanan niya para sa isang true-to-life story sa buhay niya.
Ayon kay Parsons, nitong nagdaang mga araw, gustong gumanti ng mga kasamahan ng kanyang napatay na mga magnanakaw. Sa mga TV interview, inireport niya na may gustong kumidnap sa kanyang katulong, may umaaligid sa kanyang bahay sa SSS Village, Concepcion Uno at may armadong tatlong kalalakihan na gustong pumasok sa kanyang tahanan nga para todasin na siya.
Sa pag-analisa naman ng mga pulis na nakausap ko, hindi na kasalanan ng pulis Marikina City sa pangunguna ni Supt. Cipriano Querol itong nangyari kay Parsons. Matapos ang insidente, nagtalaga kaagad ng isang security escort si Querol para mabantayan si Parsons at ang kanyang pamilya. Pero ani Parsons ang lahat ng pagtangka sa kanyang bahay ay tulog ang pulis pati ang kanyang pamilya. Siya lang ang gising. He-he-he!
Mukhang napapraning na si Parsons, anang mga pulis na nakausap ko. Pero hindi siya nagsa-shabu kahit kaibigan pa niya ang isa pang actor na labas-masok sa piitan na si Ace Vergel at sa katunayan hindi siya nakalista sa order of battle ng Narcotics Group (Narcgroup). Ewan ko lang ang tunay niyang pangalan na Jose Nabiula. Ano ba yan?
Maaaring tensiyunado lang si Parsons, di ba mga suki? Sa palaging pagpa-interbyu ni Parsons sa TV, hindi na kailangang i-casing pa ang bahay niya dahil lahat ng sulok naman ay ipinakita na sa sambayanan. Ang gagawin lang ng mga kalaban niya ay memoryahin ang lumabas sa TV.
Hindi rin dapat sinasabi ni Parsons ang depensa niya dahil naka-counter kaagad ang mga ito ng kung sino man na may tangka sa kanyang buhay. Paano nakilala ng mga kalaban niya ang kanyang katulong kung hindi nai-flash sa TV ang mukha niya? At tungkol naman sa mga umaaligid sa bahay niya, kahit sinong matapang na kriminal ay hindi babalik sa crime scene dahil alam nilang ang mga bagong mukha ay suspect kaagad? Gawa-gawa lang kaya ni Parsons itong mga threats sa buhay niya at ng kanyang pamilya?
Malalaman natin ang kasagutan sa susunod na mga araw. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended