My US trip the main purpose of which was to visit my two sons, has been very fulfilling. Thank God!
Nais ko lamang tapusin ang napasimulan nating paksa hinggil sa galit na kinikimkim ng mga Islamic fundamentalist rebels sa mga Kano, bagay nagbubunga ng krisis sa daigdig ngayon.
Tulad nang nasabi ko sa nakalipas na kolum, ang ipinagngingitngit ng mga teroristang ito ay ang pagpanig ng Amerika sa Israel sa gusot ng huli sa mga Palestino.
Hindi lahat ng Muslim ay kampi sa mga terorista na naghahasik ng lagim sa buong daigdig upang ipamalas ang kanilang galit.
Tulad din ng maraming Kristiyano, malaking porsyento ng mga Muslim ang naniniwala sa pursuit of peace dahil ang diwa ng Islam ay kapayapaan.
Kaya lang, may maling palagay sa isip ng marami associating Muslim religion to terrorism. Mapanganib ang kaisipang ito dahil maaaring mauwi sa religious bigotry na lalo lamang magpapalubha sa kalagayan ng daigdig.
Sa yugtong ito ng kasaysayan ng daigdig, dapat lamang magkaisa ang mga Muslim at Kristiyano, pati na ang mga kasapi ng ibang pananampalataya upang kondenahin ang ano mang uri ng karahasan.
Yung mga Muslim na nasa matuwid na landas ay lalong dapat kumilos upang sawatain ang ginagawang panliligalig ng mga taong sinasabing silay "tagasunod ng Islam" ngunit nagbibigay ng pangit na larawan ng relihiyong ito.