^

PSN Opinyon

Ano ba ang terorismo

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN — Ibig ni Presidente Arroyo na maisabatas na ang anti-terrorism bill. Suporta raw ito ng Pilipinas sa pandaigdig na kampanya laban sa terorismo.

Ano ba ang terorismo? Sa pagkaunawa ng marami, ito’y ang mga karahasang inihahasik ng mga tinatawag na Islamic fundamentalists tulad ng ginawang pambobomba ng mga tauhan ng Al-Qaeda network sa Twin Towers sa New York noong Setyembre 11, 2001.

Sa Pilipinas, higit pa riyan ang terorismo. Hindi lamang ang Abu Sayyaf ang naghahasik ng terorismo sa bansa.

Ang paglaganap ng droga, kidnapping at iba pang mga buktot na krimen ay matatawag ding terorismo. Ang kahulugan ng "terror" ay sindak.

Pati nga ang mga natural na kalamidad tulad ng mga malalaking pagbaha sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas nitong nakalipas na mga pag-ulan ay naghahatid ng sindak sa taumbayan.

Sa tingin ko, ang mga Pilipino, mayaman o mahirap, matanda o bata ay sinasaklot na ng sindak sa ngayon. Bakit? Kung mayaman ka, matindi ang pangamba mo na baka isang araw ay mabiktima ka ng kidnap-for-ransom gang.

Kung pangkaraniwang tao ka, ang pangamba mo’y baka ma-holdup ka sa paglalakad mo sa daan o pagsakay sa mga public utility vehicles.

At nakasisindak sa mga kababaihan na ang mga rapists ngayon ay wala nang pinipili. Maganda o pangit, kahit pa otsenta anyos na lola ay puwedeng mabiktima ng mga sex maniac.

Kung magkakaroon man ng batas laban sa terorismo, dapat masaklaw ang mga nabanggit nating bagay na kinatatakutan ng marami nating kababayan.

At kung pursigido man ang administrasyon na maisabatas ang anti-terrorism bill, ito’y dapat sa tamang layunin. Hindi para "sumipsip" lamang sa mga Amerikano na siyang nagpapasimuno sa kampanya laban sa pandaigdig na terorismo.

Isa pa, sa tingin ko’y hindi tayo kapos sa batas laban sa mga buktot na krimen. The real problem is the implementation of the law.

Ang problema sa atin, the more laws there are, the more violations committed.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL-QAEDA

AMERIKANO

NEW YORK

PILIPINAS

PRESIDENTE ARROYO

SA PILIPINAS

TERORISMO

TWIN TOWERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with