^

PSN Opinyon

Talinghaga ng manghahasik

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KARAMIHAN sa mga Filipino ay mga taong agrikultural. Madali nating maunawaan ang tungkol sa pagtatanim at pag-aani. Maging ito man ay bigas, mais o niyog. Ginagamit ni Jesus ang talinghaga ng manghahasik upang ipaliwanag sa atin kung ano ang kabuluhan ng paghahari ng Diyos.

Pakinggan natin ang talinghaga. Pasukan natin ang ang mga detalye. Tingnan natin kung gaanong butil o binhi ang naaaksaya. Kung gaano kadami ang aning nakukuha sa bandang huli (Mt. 13:1-9).

‘‘Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

‘‘May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan, lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: May tig-sasandaan, may tig-aanimnapu, at may tig-tatlumpung butil ang bawat uhay. Ang mga may pandinig ay makinig!’’


Kapag nabasa ang talinghaga, marami sa atin ang makapagsasabi na anong laking aksaya. Dapat siniguro ng manghahasik na ang mga binhi o butil ay doon lamang sa mabubuting lugar babagsak. Subalit kapag tama ang ating pagbasa ng talinghaga, ang tatlong kaso ng pagkabigo ay nababalanse naman ng laki ng tagumpay ng ikaapat. Ito ang nakapagpapalubag-loob na kahulugan ng talinghaga.

Totoo rin ito sa tunay na buhay. Nararanasan natin ang kabiguan at kahirapan sa ating mga balakin at pinagpupunyagian, subalit tayo’y ginagantimpalaan ng tagumpay sa bandang huli. Sa pagtataguyod ng paghahari ng Diyos sa ating buhay, ang kabiguan at kahirapan ay bahagi ng pamumuhay, subalit sinisiguro ng Diyos na ang kanyang paghahari ang siyang mangingibabaw sa bandang huli. Ang lakas ng loob at pag-asa ay may aral na ipinapanukala ng talinghagang ito na dapat nating pagyamanin. Makakatulong na magkaroon tayo ng pagtitiwala sa biyaya ng Diyos. Sa bandang huli, kung sumasalalay tayo sa Diyos, tiyak na tayo’y magtatagumpay.

DAPAT

DIYOS

DUMATING

GINAGAMIT

KAPAG

MADALI

MAKAKATULONG

NARARANASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with