^

PSN Opinyon

Editoryal - Poll modernization kailangan na

-
ANG katatapos na barangay at Sangguniang Kabataan elections noong Lunes ay isang mabisang katibayan na dapat nang magkaroon ng modernisasyon ng election. Ang katatapos na election ay nabahiran ng dayaan, pagkalito, pagkaunsiyami, pagkaasar dahil hindi makita ang pangalan sa kanilang presinto. May mga "patay" na bumangon at mayroon pang nanalo. Nagkaroon ng bilihan ng boto at namayani rin sa dakong huli ang pera. Maraming legitimate voters ang hindi nakaboto sapagkat kung saan-saan napunta ang kanilang mga pangalan samantalang marami rin naman ang nakaboto nang ilang beses. Ang lumang problema noon pa ay taglay ng katatapos na election. Walang ipinagkaiba at mas lumala pa.

Kung ang barangay election ay nabahiran ng karumihan at kung anu-anong uri ng pandaraya, ano pa ang aasahan sa 2004 elections na maghahalal ng bagong Presidente ang taumbayan. Kung hindi magsasagawa ng modernisasyon ang Commission on Elections (Comelec) tiyak na mas matindi ang mangyayaring dayaan. Hindi na malayo ang 2004 at dapat ay magkaroon na ng hakbang ang Comelec sa pamumuno ni Chairman Benjamin Abalos. Isagawa na ang nauntol na pagmomodernisasyon ng election.

Ang pangit na nakaraan ng Comelec ay hindi na dapat pang balikan at dapat sumulong. Tapos na ang pag-aaway ng mga Comelec commissioners at wala nang dahilan para hindi magkaisa at maipagpatuloy ang dapat sana’y nasimulan nang pagko-computerized ng election. Nagkaroon ng pagbabangayan noon si dating Comelec Chairman Alfredo Benipayo at Commissioner Luzviminda Tancangco. Pinag-ugatan umano ng away ang tungkol sa Voters’ Registration and Identification System (VRIS) project. Hindi sila nagkasundo at nagkampu-kampo ang mga commissioners. Muntik nang gumuho ang Comelec kundi naagapan ni President Gloria Macapagal-Arroyo at naitalaga si Abalos.

Nangangarap ang taumbayan ng malinis na election. Mula pa noon, nauuhaw na ang marami sa isang election na walang bahid ng karumihan, walang umaagos na dugo at walang sangkot na pera at pananakot. Isamoderno na ang election!

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

ELECTION

NAGKAROON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REGISTRATION AND IDENTIFICATION SYSTEM

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with