^

PSN Opinyon

ISAFP Col.Victor Corpus, Sir

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG nagpahirap pala sa ekomiya ng Pilipinas at nagpabagsak sa local industries ng lahat ng uri ng paninda ay itong si Edward Tiyopak. Si Tiyopak ay bigtime importer ng mga textile, raisin/plastic, bigas, asukal, hardware at spare parts. Nasa likod ng kanyang operasyon ang isang Sammy Li Bog na umaaktong broker. Si Tiyopak, ang may-ari ng Pregogo products samantalang si Sammy Li Bog, ang kanyang sulsultant.

Sa warehousing sa Port of Manila, Clark at Subic duty free shop nagbagsak si Tiyopak ng mga trabaho para iligaw at bukulan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.

Siguro Commissioner Bernardo dapat mong ituloy ang post-audit sa lahat ng may operasyon o transaksyon diyan sa kaharian mo pero kapag nag-patrabaho ka dapat huwag kang gumamit ng mga taong nasa loob ng bureau porke lolokohin ka nila. Alangan namang magpabuko sila na tumanggap sila ng pera sa mga sindikato lalo’t kina Edward Tiyopak at Sammy Li Bog.

Alam mo ba Finance Secretary Lito Camacho mahigit sa 10 bonded warehouse ang pag-aari ni Sammy Li Bog kasosyo si Ed-ward Tiyopak mantakin mong panloloko sa gobyerno ang mga diversion tactics ng mga kamote.

Three hundrend million ang kinita ni Sammy Li Bog noong isang taon sa kanyang smuggling operation at tiyak naman ang mga kuwago ng ORA MISMO na mas malaki rito ang kinita ni Edward Tiyopak porke ito ang importer. BIR Commissioner Bañez Sir.

ISAFP bossing, ganito ka-simple ang operasyon nina Edward Tiyopak at Sammy Li Bog, isang 40 footer van na may lamang tela pagpalagay mo nang P6 million total price kada isang container ang ipapasok sa bansa dapat magbayad ito ng 10 percent sa Value Added Tax (VAT) at 15 percent sa duties kaya ang suma total ay P1.5 million ang para sa gobyerno.

Dahil sa kasabwat nila ang mga kamoteng Customs sa ware- housing division dito nila dinadaan ito at P500,000 ang perang panggastos sa lahat ng dadaanan na ibinibigay nina Edward Tiyopak at Sammy Li Bog sa bantay-tara.

Pero matalino sina Edward Tiyopak at Sammy Li Bog para hindi sila mabulabog sa kanilang operasyon at kinakalat nila ang en- try sa mga kasangga nilang brokers.

Ang siste P30,000 hanggang P50,000 lamang ang resibo nito para sa gobyerno. Pinaghahatian ng mga corrupt Customs officials ang matitirang pera siyempre P100,000 ang safety money ng broker kasi tiyak na hindi rin ito magdedeklara ng totoong panggastos.

Umabot ng P700 million ang dagdag na kita ng bureau sa P180,000 per container bayad sa resibo sa bureau ay kumita ito ng P700 million sa loob pa lamang ng dalawang linggo mula ng ideklara ni Bernardo ang ganitong sistema.

Tuwang-tuwa ang mga kamoteng nag-partihan ang hindi nila alam nakatipid ng P1 million sina Edward Tiyopak at Sammy Li Bog sa shipments nilang ipinasok.

Bitin ang Chief kuwago sa Huwebes abangan ang part 3 ISAFP bossing Victor Corpus, Sir.

BOG

COMMISSIONER BA

EDWARD

EDWARD TIYOPAK

FINANCE SECRETARY LITO CAMACHO

SAMMY

SAMMY LI BOG

SI TIYOPAK

TIYOPAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with