^

PSN Opinyon

Nilason ang asawa para maka-pagpakasal

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
MAY mga sirkumstansiyang maaring palubhain, pagaanin o baguhin ang krimeng ginawa. Kung ang sirkumstansiya ay personal sa isang tao, ito’y di puwedeng gamitin laban sa kasabwat niya sa krimen. Tulad ng kaso nina Pedro, Norma at Tommy.

Mag-asawa si Norma at Pedro. Si Tommy naman ay kaibigan ni Pedro. Lingid sa kaalaman ni Pedro, pinagtataksilan pala siya ng kanyang asawa at kaibigan. Sa katunayan nga nagkasundo na sina Norma at Tommy na patayin si Pedro upang sila’y makapagpakasal.

Isang araw habang nagtatrabaho si Pedro sa bukid dumating si Tommy na may dalang pagkain. Matapos kainin ni Pedro ang pagkain, nagsuka ito at namatay.

Si Tommy pa mismo ang nag-abiso ng pagkamatay ni Pedro. Lumabas sa imbestigasyon na si Pedro ay nilason. Dahil hindi na mapagtakpan pa ang kanilang ginawa, umamin na si Tommy at Norma sa krimen. Kapwa sila nakasuhan ng parricide – ang krimen ng pagpatay sa asawa, anak o magulang. Matapos ang paglilitis, napatunayan ng mababang hukuman na nagkasala si Norma at Tommy ng pagpatay kay Pedro. Ngunit si Norma lang ang sinentensiyahan ng parricide. Si Tommy ay nasentensiyahan ng murder, hindi parricide. Tama ba ang hukuman?

Tama.
Parricide ang krimen ni Norma dahil ang biktimang si Pedro ay asawa niya. Ngunit ang relasyong ito ay hindi maaaring gamiting sirkumstansiya laban kay Tommy dahil ito’y personal lang kay Norma. Kaya si Tommy ay may sala ng murder at hindi parricide dahil pinatay niya si Pedro sa pamamagitan ng paglason. Ang paglalason ay isang pamamaraan na nakabago sa krimen ni Tommy na naging murder sa halip na homicide. Ang sirkumstansiyang ito naman ay naka-grabe sa krimen ni Norma at nagpabigat ng kanyang sentensiya (US vs. Bucsit 43 Phil. 185).

BUCSIT

DAHIL

ISANG

MATAPOS

NGUNIT

NORMA

PEDRO

SI TOMMY

TAMA

TOMMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with