^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng isang milyong piso

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NAGKATUWAANG mag-inuman ng beer ang Spaniard, American, Japanese at Pilipino. Nang tumatalab na ang ininom na beer ay naging masaya ang kanilang usapan. Bawat isa ay bida. Napuno ng halakhakan ang lugar na kanilang iniinuman.

Ang kanilang usapan ay patalun-talon sa iba’t ibang paksa. Minsan ay nagpapalitan sila ng kuru-kuro sa mga buhay-buhay sa bawat bansa nila. Kung minsan ay bidahan sa mga karanasan at mga pangyayari. Pagkatapos ay nadako ang usapan tungkol sa pera.

Ang Kano ang nagsalita at nagtanong sa mga kainuman, "Kung managinip kayo na mayroong isang milyong piso, ano ang gagawin ninyo?"

Ang Spaniard ang unang sumagot, "Magpapagawa ako ng bull ring para sa aking bullfight."

Sabi naman ng Kano, "Ako ay maglalakbay sa Paris dahil doon ay maraming babae."

Sabi naman ng Japanese, "Magpapagawa ako ng pabrika ng elektroniks."

Sabi ng Pinoy, "Itutuloy ko naman ang aking pagtulog. Baka sakaling makalikom pa ako ng karagdagang pera para maging superyaman."

vuukle comment

ANG KANO

ANG SPANIARD

BAWAT

ITUTULOY

KANO

MAGPAPAGAWA

MINSAN

NANG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with