^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng Sea of Galilee

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay pinarangalan bilang huwarang magsasaka ng buong Pilipinas. Maraming ani ang kanyang bukid. Tuwang-tuwa ang magsasaka. Ang kanyang gantimpala ay ang maglakbay sa Israel. Nagpapasalamat siya at ang Israel ang kanyang pupuntahan. Modelo ang Israel sa pagsasaka.

Bilang isang Kristiyano, nasasabik din siyang makita ang mga lugar sa Israel na tumampok sa buhay ni Jesus.

Pagdating sa Israel ay natuwa siyang mamasdan ang kaunlaran ng Israel. Nagustuhan din niya ang Bethlehem, Mount Calvary, Mount of Olives, Gethsemane at Sea of Galilee.

Namamangha siya sa Sea of Galilee. Lagi niyang naaalala ang nakasaad sa Bibliya na lumalakad si Jesus sa ibabaw ng nasabing dagat. Sinubukan niyang umarkila ng barku-barkuhan para makapamasyal sa laot. Siningil siya ng $20. Medyo mahal pero pinikit na lang niya ang mga mata.

Pagdating sa eksaktong lugar ay nagdasal nang mataimtim ang magsasaka. Sa kanyang pagpikit ay para niyang nakita si Jesus na lumalakad sa dagat.

Nang sasakay na ang magsasaka sa barku-barkuhan para bumalik sa dalampasigan ay pinigil siya ng bantay.

"Ang ibinayad n’yo ay para lang sa biyahe paparito. Magbabayad uli kayo ng $20."

"Diyos ko, napakamahal naman niyan," sabi ng magsasaka. "Ngayo’y alam ko na kung bakit nilakad ni Jesus ang Sea of Galilee."

BIBLIYA

BILANG

DIYOS

ISRAEL

KRISTIYANO

LAGI

MOUNT CALVARY

MOUNT OF OLIVES

PAGDATING

SEA OF GALILEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with