Iyan ang ibig mangyari ng Kilusan Kontra Kalabisan ng PPA kasabay ng pagbubunton ng sisi sa mga Lopez sa pag-iral ng Purchased Power Adjustment (PPA).
Sa ngayoy talagang dapat hanapan ng solusyon ang problema sa PPA. Pero malabo at kakatwang solusyon ang legitimization ng Meralco foundation. Ano iyan, ibig gawing santo ang isang taong sinasabing sumiil sa demokrasya?
Datiy pag-aari ng Amerikano ang Meralco bago mapasakamay ng mga Lopez noong 1961. Itoy isang monumental achievement ng Pinoy. Totoong naging monopolyo ang Meralco dahil ito lang ang may kontrol sa power generation at distribution. Pero sa kabila nito, Pilipinas ang may pinakamababang singil sa kuryente noon. At hindi kilala ng taumbayan ang salitang brownout o blackout.
Nasira lang lahat ng ito nang umentra si Marcos. Bukod sa Meralco, naunang kinamkam ng rehimen ang ABS-CBN na ibinigay sa Marcos crony na si Benedicto.
Ipinasara din ang bantog na pahayagang Chronicle at ang gumamit ng pasilidad nitoy ang bayaw ni Marcos na si Kokoy sa paglilimbag ng pro-Marcos Times Journal.
Gipit si Don Eugenio Lopez dahil sa karamdamang cancer. Ikinalaboso pa ang anak na si Geny. Dahil dito naibigay sa napakamurang halaga sa foundation ni Marcos ang Meralco. Nasabi na natin ang detalye niyan noong nakaraang isyu ng kolum na ito.
Kaya mali ang contention ng ilang sektor na ang Meralcoy government owned. Ang itinatag na foundation ni Marcos ay mula sa pribadong pondo.
Ang masaklap, bagamat may malaking stock nang muli sa Meralco ang mga Lopez, hindi pa rin nito nababawi mula sa NAPOCOR ang ilang mga power generating facilities nito.