^

PSN Opinyon

Bakit kailangang parusahan ang lahat ng pulis sa kasalanan ng iilan ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG ‘‘overkill’’ ang nangyari sa kaso ng hostage- taking sa Pasay City noong nakaraang Biyernes mukhang ‘‘over-reaction’’ naman ang kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza na isubo sa re-training itong 110,000 kapulisan natin sa buong bansa. Bakit kailangang parusahan ang lahat ng pulis natin sa kasalanan ng iilan? Hindi kaya magiging masamang precedent ito sa mga susunod na kapalpakan ng kapulisan natin?’’ ’Yan ang iilan lang sa mga tanong ng mga demoralisadong junior officers ng PNP na nakausap natin.

Hindi biro ang pagsagawang re-training sa ating kapulisan. Kailangan ng milyon na pondo para masanay silang muli at maiwasan nga ang mga lapses na naging sanhi sa pagkamatay ng hostage-taker na si Diomedes Talvo at ang kanyang apat-na-taong biktima na si Dexter Balala. Maliwanag na walang pondo ang PNP sa ngayon kaya’t saan kaya kukunin ni Mendoza ang pera para sa re-training ng mga pulis natin, sa mga ‘‘jueteng’’ lords na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan? Hindi kaya ‘‘moro-moro’’ lang ’tong kautusan ni Mendoza? Tanong pa ng mga junior officers. He-he-he!

May pagkakataon na namang kumita ang mga ‘‘tong’’ collectors, di ba mga suki? Maaaring ang pangunahing dahilan kung bakit iniutos ni Mendoza ang re-training ng mga pulis sa buong bansa ay upang maibsan ang nagngingitngit na galit ng publiko at mga mambabatas natin sa pumalpak na hostage-taking incident sa bus terminal ng Philtranco Bus Lines sa Apelo Cruz St., Barangay Malibay.

Ang isang dapat sisihin sa insidente ay ang mga miron o usisero na hindi tumigil sa pangangantiyaw kay Talvo, na dahil umano ay nasa impluwensiya ng droga ay nasaksak ng 13 beses si Balala. Maaaring nawala sa sarili itong si Talvo dahil sa paranoia, bunga sa malalakas na kantiyaw ng mga miron, di ba mga suki? May isang pagkataon na gusto na ni Talvo na bitiwan si Balala at hayaan na siya ng pulisya na umalis subalit bumalik siya at hindi itinuloy ang kanyang balak dahil siguro sa takot na umugin siya ng mga miron o usisero.

Kung ‘‘overkill’’ ang pagpaulan ng mga pulis ng bala kay Talvo, bakit kailangang magdusa ang lahat ng miyembro ng pulisya sa lapses ng Pasay City police? Sinibak na ang hepe nila na si Supt. Eddie dela Cerna at natukoy na ang 19 pulis na nagresponde sa insidente at sa tingin ng mga junior officers tama lang na parusahan kung nagkasala man sila.

Sa reaction kasi ni Mendoza, ibig bang sabihin niyan sa susunod na kapalpakan ng kapulisan natin, eh magre-retraining muli ang buong puwersa ng PNP natin? Maaaring maganda ang layunin ni Mendoza sa re-training niya, ang hindi niya alam nademoralisa naman ang mga nasa ibaba dahil alam nila ang nangyari sa Pasay City ay hindi naman kagustuhan ng mga pulis doon. Sa tingin nila oras na ni Talvo para lisanin ang mundong ito at kahit sino man ang madampot niya sa oras na ’yaon ay dadalhin niya sa kabilang buhay. Nagkataon lang na si Balala ang nabitbit niya.

APELO CRUZ ST.

BALALA

BARANGAY MALIBAY

CHIEF DIR

MAAARING

MENDOZA

NATIN

PASAY CITY

TALVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with