^

PSN Opinyon

Nang wala na si Tata Poloniong

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MAY ilang buwan bago nagkasakit at namatay si Tata Poloniong ay masinsinan kaming nag-usap. Si Tata Poloniong ang taong hinangaan ko dahil sa ugali niyang mapagpasalamat sa Diyos.

"Tata Poloniong, sa palagay ko, hindi ako lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ibinibigay sa akin. Sana maging katulad ko kayo na laging puno ng pasasalamat at pag-asa ang puso. Ano ba talaga ang sekreto mo?"

"Ganito iyon," sagot ni Tata Poloniong sa mabagal na pagsasalita. "Araw-araw ay mayroon akong laro. Tuwing umaga ay ipinipikit ko ang aking mga mata at magkukunwaring may nawala sa akin. Pagkatapos ay binubuksan ko ang aking mga mata para makitang hindi pala ako nawalan. Umaawit ang puso ko sa tuwa at puno ng pasasalamat ang aking puso sa Poong Maykapal."

Nagbigay siya ng halimbawa. "Kaninang umaga ay nagkunwari akong nawala ang aking kalabaw. Paano ang mangyayari sa akin? Wala akong sampung libong pisong pambili. Hindi ako makapag-aararo. Sino ngayon ang hihila ng aking kareta mula sa bukid patungo sa aming bahay. Wala na akong gatas na magmumula sa kalabaw. Ang laking kapahamakan. Tapos binuksan ko ang aking mata at labis akong natuwa at nagpasalamat sa Diyos na hindi pala nawala ang mahalaga kong hayop.

"Sinubukan ko ring isipin na nawala ang mahal ko sa buhay. Nasunog ang aming bahay. Nawalan ako ng trabaho. Nang ibinukas ko ang aking mata ay tuwang-tuwa ako sa pasasalamat sapagkat hindi nangyari ang mga iniisip ko."

Natahimik pagkaraan si Tata Poloniong saka nagsalita nang marahan, "Kasi ang tao ay pinahahalagahan lamang ang isang bagay kapag nawala na sa kanyang buhay di ba Doktor?

Totoo ang sinabi ni Tata Poloniong. Siya man ay mahalaga ngayong pumanaw na.

AKING

ANO

ARAW

DIYOS

DOKTOR

POONG MAYKAPAL

SI TATA POLONIONG

TATA POLONIONG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with