Hindi muna babanggitin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang dalawang taga-wild, wild west porke iniimbestigahan pa ang kaso para malaman kung sino ang tama o mali sa dalawa.
May nagsasabing tama ang PNP, may nagsasabing ang airport police ang tama!
Ang pinag-awayan ng dalawa ay simple. Masyadong naging high blood ang isat isa. Take note, General Hinlo at General Ele Jr.
Mabuti na lang at may mga malalamig ang ulo na umawat nang mag-draw ang dalawa ng kani-kanilang mga baril, kung hindi siguradong may pagkakalagyan sila. Ang masama may civilian tiyak na madadamay porke walang sinasanto ang bala. Di ba, NAIA General Manager Ed Manda, Sir?
Medyo matagal na ring nagpahinga sa iringan ang airport police vs PNP nang umupo si General Hinlo sa NAIA bilang hepe ng security sa airport.
Noon pa may samaan ng loob ang PNP at airport police sa hindi malamang dahilan kayat ilang beses na ring muntik-muntikanang magkaputukan ang dalawang pangkat.
"Ano ba ang dahilan kung bakit muntik nang magbarilan ang isang airport police at PNP?" tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Paradahan lang ang pinag-umpisahan ng sigalot," anang kuwagong kotong cops.
"Siguro dapat munang pagbakasyunin ang mga nasabing opisyal para hindi lumala ang sitwasyon sa airport at madamay pati mga turista rito."
"Kayang pangalagaan ng tatlong general ang nasabing sitwasyon."
"Bakit tatlo na ba ang general sa airport?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Oo. Sina General Manager Manda, General Hinlo at General Ele."
"Tiyak may paglalagyan ang dalawang taga-wild, wild west!"
"Korek ka, dyan kamote!"