^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibasura na ang Sangguniang kabataan

-
GASTOS lamang ang napapala! Iyan humigit-kumulang ang ibinibigay ng Sangguniang Kabataan (SK) sa bansa. Sa halip na ang nakalaang pondo ay magamit sa makabuluhang paraan, nauuwi lamang ito sa wala at maaaring "naibubulsa" pa ng mga corrupt. Ang SK ay nakakakuha ng 10 porsiyento ng internal revenue allotment (IRA) na bahagi ng local government units. May P1.1 bilyon ang nakalaan para sa SK. Sa kabuuan, wala namang maipakitang progreso kung may nagawa ang mga kabataan sa kani-kanilang komunidad. Ang SK ay binuo noong 1988 upang makihati ang kabataang may edad 14-18 sa pagpapaunlad ng bansa at nang maihanda bilang mga future leaders. Isinasabay ang paghahalal ng SK officials sa barangay election.

Nagkaroon ng SK special registration noong May 20-21 na pinamahalaan ng Commission on Elections. Subalit nakadidismaya ang resulta ng registration sapagkat "nilangaw". Hindi nagkaroon ng interes ang mga kabataan para magparehistro at nang makaboto sa darating na Hulyo. Napanis sa kahihintay ang mga tauhan ng Comelec subalit mangilan-ngilan lamang ang nagpatala.

Ang nakadidismayang resulta ng SK registration ay nagpapakita lamang na wala nang panahon ang kabataan sa pakikilahok sa pulitika. Mas makabubuti pa nga kung bubuwagin na ang SK at akayin naman sila ng pamahalaan sa mas makabuluhang aktibidad. Pasiglahin ang kanilang pag-aaral upang makatamo ng karangalan. Bigyan ng suporta sa anumang organisasyon na kanilang itatatag na malayo naman sa hibo ng pulitika. Tulungang mapaunlad ang nalalaman sa larangan ng Siyensiya at Matematika na ngayo’y kapuna-punang nagiging kulelat. Pati sa English ay mapurol na rin.

Maging si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpahiwatig na gusto na niyang ibasura ang SK at ipinaubaya ang pasya sa Kongreso. Ayon sa Presidente, magandang ideya ang pagbasura sa SK dahil ang kanyang paniniwala, ang pangunahing responsibilidad ng mga kabataan ay ang pag-aaral. Maaari rin naman aniyang matutuhan ng mga kabataan sa paaralan ang art of governance.

Gastos lamang ang napapala sa SK at napapanahon na para ito ibasura. Maiiwasan din ng mga kabataan na maagang maging corrupt at maging gahaman. Habang maaga ay ilayo sila sa piling ng mga pulitiko na nag-aakay rin naman sa kanila para matutong bumato ng putik.

AYON

BIGYAN

COMELEC

GASTOS

HABANG

KABATAAN

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with