Huminto ang isang nakababatang lalaki, isang White, para dumulog. Pambihirang pangyayari yon sa mga panahong iyon, 1960s, ng racial discrimination sa Blacks lalo na sa Alabama kung saan nananakit ang Ku Klux Klan ng Blacks, at gumaganti naman ang Blacks sa mga Puti.
Sinakay ng lalaking White and matandang Black. Hinatid niya muna sa gas station para maipahila ang tumirik na kotse. Tapos, tinulungan niyang makakuha ng taxi para takbuhin ang appointment.
Nagmamadali talaga ang matandang babae. Halos hindi na nakapag-pasalamat. Pero naitanong at naisulat niya ang pangalan at tirahan ng sumaklolong lalaki.
Lumipas ang isang linggo nang may kumatok sa apartment ng lalaki. Laking gulat niya nang may nag-deliver sa kanya ng isang giant console TV. Matagal na niyang inaasam-asam na magka-TV, pero ito colored pa.
May nakadikit na maikling liham sa kahon ng TV set: "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin sa highway nung makalawa ng gabi. Di lang ako naligo sa bagyo, tila nilunod pa ang sigla ko noon. Tapos, dumating ka. Dahil sa iyo, nakarating ako sa tabi ng asawa kong naghihingalo na sa karamdaman sa ospital. Kahit papanoy nakapiling ko siya sa mga huli niyang sandali. Pagpalain ka ng Diyos."
Lalong nagulat ang lalaki sa pirma: "Sincerely, Mrs. Nat King Cole."
Totoong nangyari ito. Sikat na negosyante na ngayon ang lalaki.