"Sampu ang sinabi, labing-isa ang hindi totoo." Ito ay bansag sa taong bolero at mali ang mga sinasabi.
"Kulang sa pito, sobra sa walo." Hindi naman sira ang ulo, pero mukhang kulang sa bait.
"Tumawag sa telepono, ginamit ay gripo." Sinasabi ito kapag ang isang tao ay nagsisinungaling. Lalo kung may halong pagyayabang o malayo sa katotohanan.
"Pinitpit na luya ang ilong." Ito ay itinataguri sa isang tao na saksakan ang kapangitan.
Pati sa mga kanto ay lumalabas din ang kalabisan sa salita. Ang halimbawa na binigay ni Tata Poloniong ay ang nakatatawang awit na Doon Po Sa Amin.
"Doon po sa amin, maralitang bayan,
Nagpatay ng hayop, niknik ang pangalan,
Ang taba po nito ay ipinatunaw,
Lumabas sa langis, siyam na tapayan.
Doon po sa amin, bayan ng San Roque,
May nagkatuwaan, apat na pulubi,
Nagsayaw ang pilay, kumanta ang pipi,
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi."