^

PSN Opinyon

Editoryal - Matinding leksiyon sa PNP

-
HINDI na maibabalik ang buhay na nawala. Kahit na ilang beses pang humingi ng tawad ang pangyayari ay naroon na at hindi na maaari pang baguhin. Nasayang na ang buhay dahil sa pagkakamali at aksiyong hindi muna tiniyak at pinag-isipan. Ganyan ang nangyari sa Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG). Humingi ng tawad ang PNP-IG sa pamilya ng mga biktimang sina Fernando Lozada at Marianne Uson. Napagkamalan ng mga miyembro ng IG sina Lozada na mga kasamahan ng kidnapping syndicate noong May 17, 2001 at niratrat ang mga ito. Namatay si Lozada at Uson dahil sa tama ng bala sa katawan. Ang anak ni Lozada na si Clarissa, 17, ay malubhang nasugatan subalit nakaligtas.

Sa isang paid advertisement sa diyaryo, nag-public apology ang PNP-IG sa pamilya nina Lozada at Uson dahil sa hindi inaasahang kamatayang sumapit sa mga biktima at ganoon din sa sakit na dinanas ng mga mahal sa buhay. Sinabi ng PNP-IG na patuloy pa rin nilang ipaglalaban ang sinumpaang tungkulin para maipagtanggol ang mga inosente at nangailangan ng tulong at nang maibalik ang tiwala sa kanila. Inaako ng PNP-IG ang malagim na insidente at sinabing hindi na mauulit ang pangyayari sa hinaharap.

Ang public apology ng PNP-IG ay tinanggap naman umano ng pamilya ni Lozada. Sinabi ng misis ni Lozada na kung ang Diyos ay nakapagpapatawad, sino naman siya para hindi patawarin ang mga pulis na pumatay sa kanyang asawa. Hindi na naman umano maibabalik pa ang buhay na nawala.

Si Lozada, chief steward sa New World Hotel, anak nitong si Clarissa at kaibigang si Marianne ay sakay ng Mitsubishi Lancer patungo sa party ng gabing iyon ng May 17 nang harangin ng 10 miyembro ng PNP-IG sa Del Monte Ave cor. G. Araneta, Quezon City. Sa takot, pinaharurot ni Lozada ang kotse at hinabol sila ng mga pulis at pinaputukan.

Ang pangyayari ay nagpakita lamang sa hindi pagiging professional ng mga pulis sa pagkakataong iyon. Naging malikot sa gatilyo ng mga baril ang mga pulis at nawalan ng kontrol. Dalawang buhay ang nasayang at isa ang sugatan dahil sa pagiging malikot at kawalan ng kontrol. Kahit na nga humingi pa ng tawad sa pangyayaring ito, ang pangyayari ay naroon na. Hindi na maibabalik ang lahat. Sana ay magkaroon ng aral ang PNP-IG at iba pang alagad ng batas nang hindi na maulit ang insidente. Sayang ang buhay kung basta na lang lalagutin ng mga bala.

vuukle comment

CLARISSA

DEL MONTE AVE

FERNANDO LOZADA

KAHIT

LOZADA

MARIANNE USON

MITSUBISHI LANCER

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with