Kamakailan, nasabi ko sa kolum na ito na dapat payagang mag-asawa ang pari para mabawasan ang ganitong klase ng paglabag.
At totoong hindi ipinagbabawal ng Biblia ang pag-aasawa ng mga namumuno sa simbahan.
Kamakalawa, napanood ko sa isang panayam sa telebisyon si Monsignor Nico Bautista at natuwa ako porket nagkakaisa kami ng pananaw tungkol sa usapin ng celibacy o di pag-aasawa ng Pari.
Aniya, dapat gawing optional ang vow of celibacy. Celibacy, Bautista said, is a "charism" or gift. Its either one has it or not.
Kaya kung ang isang nagpapariy wala nito, hindi siya dapat obligahing huwag mag-asawa tulad ng ginagawa ngayon sa Roman Catholic Church.
Ang pagpapari ay isang bokasyon. Kung matindi ang hangarin ng isang tao na magpari, itoy isang tawag sa kanya para pasukin ang bokasyong ito. Pero kasabay ng tawag na ito, maaaring wala siyang gift to be celibate.
Kaya marahil marami ang napilitan lamang na yakapin ang vow of celibacy dahil sadyang marubdob ang hangaring maging pari.
At dahil dito, dumating ang sandali ng pagkahulog nila sa tukso. Kaya naririnig natin ngayon ang mga masasamang alimuom tungkol sa mga paring nakakabuntis ng babae o nang-aabusong sexual.
Dahil dito, ipinapayo ni Monsignor Bautista na gawing optional ang celibacy.
Sa ngayon, ang mga Paring nakakabuntis ay tinatanong ng obispo kung nais talikuran ang pagkapari at pakasalan ang babaeng dinisgrasya. Kung ibig niyang ituloy ang bokasyon bilang Pari, siyay sumasailalim sa rehabilitasyon pero dapat niyang harapin at panagutan ang kanyang obligasyon sa babaeng kanyang binuntis.
Hanga ako sa mga tumalikod sa pagkapari upang pakasalan ang babaeng kanilang minamahal. Theys only being fair to their vocation na ayaw nilang dungisan.
Ngunit doon sa mga nagpapatuloy sa pagpapari pero may sinusustentuhang "anak sa labas" itoy nagiging dungis sa buong Simbahan.
At habang nagpapatuloy ang ganitong mga pangyayari, lalo lamang madudungisan ang imahe ng Simbahan.