Halos lahat ng araw ng Linggo ng Mayo ay pista ng Antipolo. Maraming mga deboto madaling-araw pa lang ay naglalakad patungong Antipolo para magsimba. Ayon sa mga mananampalataya ay marami ng himala ang ipinagkaloob ng Nuestra Señora dela Buenviaje.
Sa lumang Las Piñas Church na kung saan matatagpuan ang Bamboo Organ ay marami ang nagsisimba. Halos lahat ng bahay ay may handa at karamihan sa inihahain sa mesa ay seafoods. Marami ring bayan sa Laguna ang nagdiriwang ng pista sa buwang ito. Pinag-uusapan ang kesong puti festival sa Sta. Cruz, at ang parada ng mga tsinelas sa Liliw.
Sa Lucban, Quezon ay marami ang natutuwa sa festival ng mga gulay na parang flower festival ng Baguio City. Sa Bulacan, Bulacan ay maraming panoorin kapag pista kabilang na ang mga prusisyon ng mga antigong imahen. Sa San Dionisio, Parañaque at maging sa iba pang lugar ay pinag-uusapan ang magagandang sagala sa mga ginaganap na Santacruzan.