Ayon kay Dr. Gil Vicente, isang otalryngologist (eksperto sa medical and surgical treatment ng tenga, ilong, lalamunan, ulo at leeg), sa paghihilik ay tumitigil ang paghinga na higit sa 10 segundo at tumataas ang carbon dioxide na nakakaapekto sa buong katawan kaya hindi na magising.
Sinabi niya na ang obstructive sleep apnea ay karaniwan sa mga taong matataba, may malalaking leeg, retracted o mas malalim na panga at may dila na mas malapad sa likuran. Puwede rin itong maranasan ng mga taong payat na may malaking tonsils at may adenoids. Problema rin ang sobrang pag-inom ng alak. Kapag ang lasing ay natutulog ay masyadong relax at ang muscles at ang acid deflux ay puwedeng umakyat at pumunta sa baga at mamaga ang daanan ng hangin. Pag tumaas ang carbon dioxide ay puwedeng hindi na magising.
Ipinapayo ni Dr. Vicente sa mga humihilik na huwag itong ipagwalambahala at dapat agad ikunsulta sa doktor.
Si Dr. Vicente ang chairman ng Department of Otalryngology, Head and Neck Surgery ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center at St. Lukes Medical Center. Nagpakadalubhasa siya sa US at Germany.