^

PSN Opinyon

Editoryal - Maraming kalawang sa PNP

-
KALAWANG ang sumisira sa bakal. Kapag hindi kaagad naalis ang kalawang, kakalat na ito sa iba’t ibang bahagi at sa isang iglap ay bulok na ang bakal. Mahina na at hindi pakikinabangan. Ganyan ang Philippine National Police (PNP) sa kasalukuyan. Ang mga nagpapalakad na rin sa organisasyong ito ang nagiging dahilan ng kanilang pagkasira. Isa mga kontrobersiyang yumayanig sa PNP ngayon ay ang pagbabangayan ng mga opisyal dito dahil sa susunod nilang hepe. Nagbabangayan kahit na naihayag na ni President Gloria Macapagal-Arroyo na si Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane ang kapalit ni Director Gen. Leandro Mendoza na magreretiro na Setyembre.

Maraming sumusulpot na problema sa PNP at patuloy na nagkakagulo. Habang nagkakagulo sa pagtatalaga ng bagong hepe, tumataas naman ang krimen sa kapaligiran at nagiging inutil na ang puwersa ng PNP na hindi maprotektahan ang mamamayan. Sa pagiging abala nila sa pagtatalaga ng kanilang mga manok bilang hepe ng organisasyon, ang taumbayan ang nagdurusa.

Patuloy ang kidnapan, nakawan, holdapan, cell phone snatching at kung anu-ano pa at walang alagad ng batas na magprotekta. Apektado sila ng pagsisiraan at pagbabangayan ng mga opisyal. Maging ang mga simpleng pagnanakaw sa mga ATM machines ay hindi ngayon masubaybayan ng mga alagad ng batas at tila naglalaro na lamang ang mga magnanakaw. Sunud-sunod na ninakawan ang ATMs ng East West Bank at hanggang sa kasalukuyan, wala pang nahuhuli.

Ang bangayan ng mga opisyal sa PNP ay lalong lumubha ng isang advertisement sa Philippine STAR ang nalathala na kumukuwestiyon sa desisyon ni GMA sa pagpili kay Ebdane. Sa ad na ang nakalagda ay mga "CONCERNED PNP OFFICERS" ay sinabing huwag lang kay Ebdane ituon ni GMA ang pansin. May himig na hindi sila sang-ayon sa kung anuman ang maggiging tunay na desisyon ni GMA kay Ebdane.

Malaking problema ito na si GMA lamang at si General Mendoza ang maaaring makasagot. Kapag hindi nagawan ng solusyon, tiyak na ang kalawang sa loob ng PNP ay magpapatuloy at sisirain ito. Dapat namang lumutang ang mga "CONCERNED OFFICERS" at ipabatid ang kanilang problema at nang matahimik na ang PNP. Alisin ang kalawang sa PNP para pagtiwalaan ng taumbayan.

DEPUTY DIRECTOR GEN

DIRECTOR GEN

EAST WEST BANK

EBDANE

GENERAL MENDOZA

HERMOGENES EBDANE

KAPAG

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with