Ang Commonwealth Avenue lalo na sa bahagi ng Talipapa ay malaki ang pinagbago. Natanggal na ang mga nagtitinda sa kalsada. At sila ay may pinaglipatan sa Commonwealth market. Ang pamilihang lugar na ito ay malawak at malinis. Mayroon pang tulay na bakal na nagtatawid sa mga tindera at mamimili. Ang proyektong ito ay gawa ng HGC, HUDCC at Quezon City government.
Patuloy din ang pagsesemento ng mga kalsada, at ang paghahatid ng payak na pangangailangan sa mga komunidad, tulad ng tubig, kuryente, pagkain at gamot.
Pero hindi ito ang ipinagmamalaki ng QC. Ang mga tunay at makasaysayang pagbabago ay nangyayari sa loob ng pamahalaan. Sa usaping pinansiyal, ang utang ng QC ay unti-unting nababayaran na. Sa administrasyon, ang bureaucracy ay hindi na rin bloated at propesyonal ang pamamalakad. Kung anong trabaho lang ang dapat gawin, ganoon karaming tao rin ang kinukuha. At ang mga desisyon dito ay nakabatay sa desisyong makabubuti sa lokal na pamahalaan bilang isang pampublikong korporasyon; walang pamumulitika, seryosong serbisyo.
Ito ang kailangan ng ating bansa, ang pagpapatibay ng mga lokal na pamahalaan, at ang political will ng mga pinuno nito upang gawin ang nararapat. Kung seseryosohin ang serbisyo tulad ng Marikina, Manila, QC, at marami pang ibang lokal na pamahalaan, mararamdaman ng mamamayan ang pagbabago, at gaganda ang takbo ng bansa.