NPA, MILF, MNLF at Sayyaf may tactical alliance
May 7, 2002 | 12:00am
ALAM nyo bang may tactical alliance ang mga miyembro ng New Peoples Army, Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front at Abu Sayyaf?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Eric Lucero, Nonoy Ballon, Dick Sinchongco Jr., Nelson Espinosa, Rolly Liao, Felimon Hugo Gonzales, Bro. Rommel Garcia, Bro. Boting Baac ng Gen. Santos City; at Corina Tumambing ng MBC.
Alam nyo bang may alyansa ngayon ang tatlong grupo ng mga rebelde sa bansa?
Ayon sa aking bubuwit mula sa intelligence community, ang NPA, MILF, MNLF at Abu Sayyaf ay nagkakaisa ngayon ng puwersa upang labanan ang pamahalaan.
Ayon sa aking bubuwit, batay sa assessment ng PNP at AFP, ang mga naganap na pagpapasabog ng bomba sa Mindanao ay kagagawan ng mga nabanggit na grupo.
Ang pagsabog ng bomba sa Fitmart, national highway at Bgy. Calumpang sa Gen. Santos City noong April 28 ay kagagawan diumano ng nasabing grupo.
Ito ay inamin ni Abu Muslim Alghazie, ang head ng Abu Sayyaf Special Operations Group.
Sa kaugnay na insidente ay nahuli naman ang dalawang suspects na positibong itinuro ng ilang saksi na silang naglagay ng bomba sa labas ng Fitmart Shopping Center.
Ayon sa aking bubuwit, noong April 24, nahuli naman ng mga tauhan ng PNP at NICA ang tatlong suspects na responsable sa ilang bomb threats. Sila ay na-traced naman ng mga awtoridad sa pamamagitan ng Bayantel Caller ID.
Ang telepono ay naka-rehistro naman sa isang Aron Salah. Inimbestigahan at naaresto naman ang tatlo pang suspects.
Ito ay sina Abubakar Amilhasan, MILF bomb expert; Jejhon Macalinsal ng MILF at Arsul Ginta, miyembro naman ng NPA.
Dahil sa ganitong pangyayari, malaki ang paniniwala ng PNP na may sabwatan o alyansa ang mga rebeldeng grupo.
Pati ang mga bandidong Abu Sayyaf ay hinihinalang kasama rin nila dahil ang mga bombing ay inaako naman ng grupo nina Abu Sabaya.
Ang Abu Sayyaf ang taga-ako ng mga bombing upang hindi umano maapektuhan ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan sa MILF, MNLF at maging sa CPP-NPA.
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Eric Lucero, Nonoy Ballon, Dick Sinchongco Jr., Nelson Espinosa, Rolly Liao, Felimon Hugo Gonzales, Bro. Rommel Garcia, Bro. Boting Baac ng Gen. Santos City; at Corina Tumambing ng MBC.
Ayon sa aking bubuwit mula sa intelligence community, ang NPA, MILF, MNLF at Abu Sayyaf ay nagkakaisa ngayon ng puwersa upang labanan ang pamahalaan.
Ang pagsabog ng bomba sa Fitmart, national highway at Bgy. Calumpang sa Gen. Santos City noong April 28 ay kagagawan diumano ng nasabing grupo.
Ito ay inamin ni Abu Muslim Alghazie, ang head ng Abu Sayyaf Special Operations Group.
Sa kaugnay na insidente ay nahuli naman ang dalawang suspects na positibong itinuro ng ilang saksi na silang naglagay ng bomba sa labas ng Fitmart Shopping Center.
Ang telepono ay naka-rehistro naman sa isang Aron Salah. Inimbestigahan at naaresto naman ang tatlo pang suspects.
Ito ay sina Abubakar Amilhasan, MILF bomb expert; Jejhon Macalinsal ng MILF at Arsul Ginta, miyembro naman ng NPA.
Dahil sa ganitong pangyayari, malaki ang paniniwala ng PNP na may sabwatan o alyansa ang mga rebeldeng grupo.
Pati ang mga bandidong Abu Sayyaf ay hinihinalang kasama rin nila dahil ang mga bombing ay inaako naman ng grupo nina Abu Sabaya.
Ang Abu Sayyaf ang taga-ako ng mga bombing upang hindi umano maapektuhan ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan sa MILF, MNLF at maging sa CPP-NPA.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am