^

PSN Opinyon

Moral Recovery Program sa DILG

- Al G. Pedroche -
SPEAKER si Interior and Local Government Secretary Joey Lina sa isang pagtitipon ng Jesus Is Lord Church kamakailan and he spoke about the moral recovery program which he has been undertaking not only in his department but in the Philippine National Police.

Malaking hamon kay Lina ang pagtataboy ng masamang espiritung lumulukob sa kapulisan. Pero tama siya. Walang pagsisikap ng tao ang puwedeng maghatid ng positibong pagbabago. Tanging ang pagsusuko ng tao sa kanyang sarili sa Diyos ang makapagdudulot ng genuine reform kanino man.

Kaya aniya, regular ang pagdaraos ng mga bible studies sa pulisya at oobligahin ang mga alagad ng batas na isilid sa kanilang kaliwang bulsa, malapit sa puso ang maliit na biblia. Harinawang umepekto iyan.

Kasi, baka ang biblia’y gawin pang ipitan ng tong na nakukulimbat ng isang pulis mula sa mga violators.

Kahit pa ang Salita ng Diyos ay walang bisa kung ito’y hindi nanamnamin ng nakaririnig nito at magbubunga sa kaniya ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

God has given man free will to accept or not to accept, to follow or not to follow.

In fairness, maraming pulis ang matino at maka-diyos. Dangan nga lamang, dahil sa iilang garapal pa rin hangga ngayon, pati ang buong imahe ng PNP ay nadudungisan.

I wish Sec. Lina all the best lalu na sa kanyang kampanya laban sa droga at ilegal na sugal.

By the way, may nailathala tayong balita sa PSN hinggil sa talamak na jueteng sa Villa Benita Subd. sa Cabanatuan City noong April 18, 2002.

Agad namang rumesponde si Sec. Lina nang mag-isyu siya ng memorandum kina PNP Chief Director General Leandro Mendoza, Chief Supt. Reynaldo Berroya, Reg. III Director at Supt. Laverne Manangbao, Cabanatuan Chief of Police na umaksyon agad sa report na ito.

Alam kong hindi lamang pabalat-bunga ang tugon na ito ng DILG Chief. Pangunahing kampanya niya ay laban sa mga lumalaganap na masamang bisyo sa bansa and it is my prayer na huwag siyang manlalamig sa misyong ito na itinalaga sa kanya ng Panginoong Diyos.

CABANATUAN CHIEF OF POLICE

CABANATUAN CITY

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

DIYOS

JESUS IS LORD CHURCH

LAVERNE MANANGBAO

PANGINOONG DIYOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with