Ang Paraclete sa wikang Griyego ay nangangahulugang isang tagapagtanggol sa batas. Sinasabi ni Jesus na kapag siyay umalis, isusugo niya ang Paraclete." Isusugo niya ang kanyang Espiritu. Ang Espiritung ito ni Jesus ang magtuturo sa atin na maunawaan ang mga turo, aral at mga salita ni Jesus. Ang Espiritu ni Jesus ang Paraclete ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob na labanan ang mga pag-atake ng demonyo. Ang Espiritu ang tutulong sa atin na mapaglabanan ang mga pang-aakit ng mundo.
Ibinibigay sa atin ni Juan ang malalim na mga pag-iisip ni Jesus (Jn. 14:15-21).
Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayoy bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Itoy ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siyay sumasainyo at nananahan sa inyo.
Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit akoy makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na akoy sumasa-Ama, kayoy sumasaakin, at akoy sumasainyo.
Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, akoy lubusang magpapakilala sa kanya.
Isang napakahalagang pag-iisip na dapat nating panghawakan: Ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin. Siya ay nasa sa inyo. Pakinggan ninyo siya. Kumunsulta sa kanya. Hingin ang tulong niya. Tandaan na siya ang Paraclete ang Tagapagtanggol.